KAHIT saang anggulo sipatin si Rey PJ Abellana, eh, talagang guwapo siya at hindi tumatanda. Banat na banat ang mukha. Ano raw ang mapapala niya kung magparetoke siya ng mukha, siguro kaya young looking siya, wala naman siyang mabigat na problema, kuntento siya sa buhay, hindi man siya mapasama sa mga TV series, kahit paano mayroong mapagkukunan ng mga pangangailangan sa buhay.
May munting negosyo si Rey at higit sa lahat, masaya siya sa pagkakaroon ng magandang anak, mabait, mapagmahal, marespeto, at nagpapatuloy ng lahi na sinimulan niya bilang ama at ito ay walang iba kundi si Carla Abellana. Gift of God, sabi ni PJ sa anak.
Oo naman. At marahil dahil nga maganda ang anak kaya hindi tatanda at mangungulubot ang isang amang tulad ni Rey. Masaya raw siya at nagpapasalamat sa Diyos dahil sa pagkakaroon ng isang anak like Carla.
At nagpapasalamat din si PJ sa GMA 7 dahil sa napakagandang role na ibinigay sa kanya.
NO PROBLEM DAW – Letty Celi