Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caparas, hanga sa galing ni Andi

111615 ANDi Angela Markado

MAS maraming taong nakakikilala at natutulungan ni PAO Chief Percida Acosta ang nagsasabing huwag siyang kumandidato sa mataas na position tulad ng senador. Mas gusto nila na maging pinuno ng Public Attorney Office (PAO) ang magandang abogada dahil mas madaling lapitan at hingan ng tulong.

Akala ng mga taong malapit sa lady chief, tatakbo ito sa pagkasenador kaya marami ang nag-abang kung kabilang siya sa mga politician/non-politician na nag-file ng candidacy. At natuwa sila dahil never na na-mention ang name ng mabunying PAO Chief among others.  At pinatunayan ni Chief Percida sa pamamagitan ng isang presscon na hindi nga siya tatakbo sa anumang posisyon. Alam naman natin na medyo may pagka-showbiz si Atty. Acosta dahil mayroon siyang mga column sa ilang babasahin at isa rin siyang TV host sa programa niya sa TV5. At true enough hindi niya hinangad na maging senador, congresswoman o ano pa man.

Halos lahat ng kasong mabibigat ay matagumpay na naresolba ni Atty. Acosta at ng mga lawyer niya sa ilalim ng PAO.  Kung gaano karaming na solve na kaso, ganoon din karami ang award na iginawad kay Chief Acosta.  Ang latest ay isang natatanging award na iginawad sa kanya ng isang malaking grupo sa Los Angeles, California with another PNoy, Boy Abunda, at iba pa.

Isang advance presscon naman ang ginanap din sa place na ginamit ng PAO, ito ay ang Angela Markado, remember ilang years ago, may ganitong movie na ang bida ay si Hilda Koronel. Mula ito sa nobela ng komiks king at national artist na si Carlo J. Caparas. Isa sa obra maestra ni Caparas, kaya naisipan niyang iremake. Tiyak patok ito dahil patok ito noon.

This time, ang mga artistang tampok sa Angela Markado ay si Andi Eigenmann, na napakagaling ding umarte.  Kailangan bang i-memorize yan?!  Wala raw kahirap-hirap si Direk Carlo.  Grabe raw ang adlib nito, at mabilis kumuha ng cuing!

Anyway dugong artista kaya ang nananalaytay sa ugat ni Andi. At ang limang young aktor na pinili ni Direk Carlo bilang rapist ni Andi ay sina Polo Ravales, Felix Rocco, Paolo Contis, Epi Quizon, at CJ Caparas, na ang mga dating ay big stars. Si CJ ang pinakabata, anak nina Direk Carlo at Donna Villa, na wala raw take 2 sa harap ng camera. Si CJ ay likas na mahilig mag-artista, pero hindi siya pinayagan ng mga parent niya hangga’t ‘di siya nakapagtapos ng pag-aaral.

College graduate na si CJ at pinayagan ng mag-artista tulad ng pangako ng parents niya. Napakaguwapo ni CJ, kaya bagay mag-showbiz.

Another child nina Direk Carlo at Donna ay ‘yung girl na 16 years old na napakagandang babae, heavy weight nga lang. Pero walang hilig mag-artista, pero laging nakabuntot sa Kuya CJ niya sa shooting, sa dubbing, sa mga promosyon ng Angela Markado. In other words, number one fan siya ni CJ.

NO PROBLEM DAW – Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …