Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angela Markado movie, brutal dahil bayolente

111615 ANDi Angela Markado

SA pagkakataong ito, si direk Carlo J. Caparas mismo ang gagawa ng remake ng kanyang kuwentong Angela Markado, na naisapelikula na rin naman noong araw sa direksiyon ni Lino Brocka. Pero sinasabi nga ni direk Carlo, ang pelikula ni Brocka ay umani ng awards dito sa Pilipinas at maging sa abroad, pero ang nakikita naman niyang advantage, dahil siya ang sumulat ng orihinal na istorya, mas maikukuwento niya iyon ng maganda sa pelikula.

Isa pa, noong unang gawin ang pelikula, limitado nga lang ang maipakikita sa pelikula dahil noon ay umiiral pa ang mahigpit na batas sa sensura sa pelikula, na ngayon ay wala na. Kaya siguro nga mas malaya niyang nagawa ang mga eksenang iniwasang gawin sa naunang pelikula.

Iyang Angela Markado ay kuwento ng isang babaeng pinagsamantalahan ng isang grupo ng mga lalaki ng paulit-ulit at ang kanyang ginawang paghihiganti pagkatapos sa mga humalay sa kanya. Natanong nga tuloy si direk, hindi ba may pagkakahawig din iyan sa kanyang hit movie noon, iyong Maggie dela Riva Story na tungkol din sa rape?

Ang sagot naman ni direk Carlo, talagang parehong rape ang tema ng dalawang pelikula, pero aniya, mas matindi iyang Angela Markado. Kasi roon sa Maggie dela Riva, ang biktima ay pinagtulungan lamang halayin sa loob ng magdamag. ItongAngela Markado, mas mahirap dahil ang panghahalay ay tumagal ng ilang araw.

Iyong Maggie dela Riva, nagtapos nang ang mga rapist ay mahatulan ng kamatayan sa silya elektrika. Mas delikado ang eksena ng Angela Markado dahil ang biktima ay naghiganti sa mga humalay sa kanya. Kaya may elemento rin naman iyan ng violence.

Palagay ni direk, mas nahirapan si Andi Eigenmann sa pelikulang iyan kaysa ginawa ni Dawn Zulueta sa pelikula niya noong araw. Mas brutal din kasi ang mga eksena sa Angela Markado.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …