Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-eendoso ni Daniel ng politiko, nakaaapekto na sa career

112515 Daniel padilla

MUKHANG hindi nga yata naging maganda ang epekto kay Daniel Padilla ng kanyang mga ginagawang political endorsements. Hindi naman siguro masasabing matindi na talaga ang epekto, dahil na-maintain naman niya ang ratings ng kanyang serye sa isang isinagawang nationwide survey, pero isang katotohanan na sa Metro Manila survey, nalamangan iyon ng one percent lang namang audience share ng kanilang rival program.

Kasi sinasabi nga nila, sa mga probinsiya ay nariyan pa rin iyong mga fan na walang kinalaman sa mga national issues. Dito sa Metro Manila, medyo kritikal ang mga fan at nakikialam sila sa mga bagay-bagay kahit na hindi showbiz, kagaya nga niyang mga political endorsement.

Hindi inaasahan ng mga tao na malalamangan ang serye ni Daniel, considering na ang pinakamataas na ratings na nakuha ng kanyang katapat na artista sa dating network noon ay hanggang two percent lamang. Ipagpalagay man natin na nakalipat iyon sa isang mas malakas na estasyon, hindi pa rin ganoon kalakas ang batak niyon, kaya nakapagtatakang nalampasan nila kahit na one percent lamang ang show ni Daniel.

Kung sa bagay, hindi naman masasabing basehan na agad iyan, dahil ang lumabas lang naman ay resulta ng one day survey. Pero nakababahala rin iyon dahil kung iisipin ninyo, iyong popularidad ni Daniel  sa ngayon ang sinasabi nilang hindi kayang banggain.

Hindi man diretso, nabangga na siya at medyo tumagilid na noong lumabas iyongAlDub. Ngayon baka nagkamali na naman sila ng diskarte at naapektuhan na ang ratings ng kanyang serye.

“Kasi hindi naman talaga si Daniel ang may gusto niyon eh,” sabi ng isang movie writer na confidante ni Daniel at ng nanay niya. Pero ganoon pa man, mukhang wrong move nga.

Kaya nga sinasabi namin, mas wise si Alden Richards na inalok man ng napakalaking halaga, ayaw pumasok sa political endorsements. Ganoon din naman si Sarah Geronimo na mukhang nadala na sa mga political endorsement na ginawa niya noong araw.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …