Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, tumataba raw kaya tinanggihan ang Darna

102815 angel locsin darna
MAY mga social media post si Angel Locsin na mukhang desidido siyang mag-gym na muli para maging fit ang kanyang katawan. Iyang mga post na iyan ay nakadagdag doon sa mga usapan na ang talagang dahilan daw kung bakit tinanggihan na niyang gawin ang Darna, kahit na may ilang sequences na siyang nagawa sa pelikulang iyon ay dahil nahirapan siyang magbawas ng timbang na kailangan sana sa kanyang pagsu-suot ng Darna suit.

Totoo naman daw na may problema rin siya dahil sa nangyari nga sa kanyang spine, at isa iyon sa mga dahilan, pero ang talagang problema raw ay ang pagbabawas niya ng timbang. Ngayon kahit na tinanggihan na niya ang project, mukhang desidido pa rin si Angel na ilagay sa kondisyon ang kanyang katawan.

Kung sa bagay, wala naman talagang substitute sa physical training. Iyong iba gumagamit ng mga slimming pills, o kung hindi naman talagang nagda-diet nang husto, pero alam natin na kadalasan may masamang epekto naman iyan sa katawan. Tama ang ginagawa ni Angel na physical training ang ginagawa para magbawas ng timbang. Mas mahirap iyan, pero lumalakas naman lalo ang katawan niya sa ganyang sistema.

Kabisado iyan ni Angel dahil bukod sa pagiging artista isa siyang athlete. Ang tatay niya ay isang athelete rin naman. Kaya siguro nga ang nakasanayan niya ay iyang ganyang physical training na mas ok naman talaga.

Anyway, sigurado iyan na ang susunod, bibiglain na naman tayo ni Angel dahil tiyak na mas magiging sexy pa siya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …