MARAMING bagay ang ipinagmamalaki si Jolina Magdangal bilang isang ina. Siguro nga ang pinakamahalaga roon ay iyong sinasabi niyang hands on siya talaga sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Pele, kahit na inamin niya na noong una ay natatakot siyang hawakan ang kanilang baby kaya ang kanyang asawang si Mark Escueta ang gumagawa ng lahat, “pati pagpapalit ng diapers ni Pele.”
Ang isa pang nakatawag ng aming pansin ay ang pagmamalaki ni Mark na si Pele ay breast fed. Nagbe-breast feeding si Jolina ay sinasabi nga nilang “hanggang ngayon hindi pa nakatitikim si Pele ng kahit na anong infant formula”. Na kung iisipin mo ay isang malaking advantage, at sila man napuna nila na hindi nagkakasakit ang kanilang anak. Malakas naman talaga at malusog ang batang pinasususo ng kanilang ina, dahil mayroon ang gatas ng ina na wala sa kahit na anong infant formula, iyong colostrums.
Iyong ibang mga nanay, kahit na hindi mga artista, nag-iisip agad kung ano ang gagawin para hindi magpasuso ng kanilang anak. Sinasabi nila na istorbo iyon sa trabaho nila. Mayroon namang natatakot na baka masira ang porma ng kanilang boobs. Iyan ay parehong paniniwala. Kaya nga masasabi mong iyong mga nanay na nag-breast feed, iyan ang mga inang concerned talaga sa kanilang mga anak, at ganoon si Jolina.
Ikinukuwento nga niya eh, noong alukin sila na mag-endorse ng baby diapers, hindi sila pumayag agad. Kailangang magpadala muna ang Megasoft ng kanilang produkto, sinubukan nilang ipagamit iyon kay Pele ng halos dalawang buwan. Noong makita nilang okey talaga iyong Super Twins Diapers, at saka lang sila pumayag na gumawa ng endorsement.
“Hindi naman kami mag-eendorse lalo na at gagamitin pati na si Pele kung hindi kami naniniwala sa produkto. Kaya sabi namin sa kanila, susubukan muna namin. Pati iyong availability ng produkto tiningnan namin, alangan namang endorse ka ng endorse tapos hindi naman pala alam kung saan mabibili,” ang kuwento pa ni Jolina.
At ang kita sa endorsement, “siyempre kay Pele.”
HATAWAN – Ed de Leon