NANG dahil sa Kalyeserye ay nalaman daw nina Tito Sen, Bossing Vic Sotto, atJoey de Leon ang mga iba pang nakatagong talento nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.
“Ang kalyeserye ay unti-unti na lang nabuo, siguro pinagyaman na lang naming.”
“Noong dumating sa amin (ang Kalyeserye) ay natuwa kami so pinagyaman pa namin, ibig sabihin ay inalagaan pa namin at talagang natutukan.
“Tapos nalaman pa namin na sina Jose, Wally, at Paolo, bukod sa dalawang bagito, ‘yung AlDub…kumbaga baby namin sila ay may nakatago pang galing ang mga ito. So, nakatutuwa,” pagtatapos ni Joey.
(JOHN FONTANILLA)