Thursday , December 26 2024

Takot ibulgar ang mga utak sa 14 car smuggling sa Batangas port

00 Palipad hangin Arnold ataderoITO ang mahirap sa mga nasa pamahalaan natin.

Kapag mataas na mga tao ang kahit pa criminal syndicate hirap ibulgar ang mga pangalan sa media. Pero kapag pipitsugin, todo bandera sa mga dyaryo.

Natatandaan ba ninyo ang nasabat mismo sa Puerto ng Batangas na nagiging notorious  bilang bagsakan ng smuggled articles, lalo ng mga high-end sports vehicles (dahil malayo ito sa Maynila)?!

Kamakailan nag-conduct ng hearing sa kongreso si Rep. “Magi” Gunigundo ng Valenzuela City ukol nga sa 14 expensive sports cars na ipinasok sa Batangas Port.

Sapat na sana ang pagiging ‘grossly undervalued’ bilang batayan upang i-seize or forfeit naman para sa gobyerno.

Hanggang ngayon hindi pa yata final ang decision ng Aduana samantala naroon ang ebidensiya. Bakit nakalulusot ang P1.5-milyon bayad ng grupo na nagpaparating sa Batangas port.

Familiar na mga personalidad, tulad ng isa raw taong simbahan (opisyal daw), isang jewelry trader at isang trade ng mga n taxes. Ang matunog na matunog na pangalan ng ‘facilitator/fixer/ broker’ ay isang ‘Melinda’ na halos kilala kahit ng mga janitor at guwardiya sa Batangas port at maging sa Port of Manila at MICP.

Sang-ayon sa ating informant si ‘alias Melinda/.’

Dati siyang personera (brokers representative) na ang asawa ay napatay sa Antipolo City, hindi pa katagalan.

Bilib na sana ang stakeholders sa Bureau na isang tulad ni presidential appointee na si Deputry Commissioner for Enforcement Ang, ang siyang humarang. Hanggang hini-hearing  ni Gunigundo ang kaso wala pang progress kung nasampahan na nang kaso ang sabit dito.

Bahala na sana ang prosecution office to evaluate the sports vehicles na may worth sa market na aabot sa P110-M.

Ano ang dahilan at tumatagal ang decision ng Office of the Commissioner?

Ni wala pang pinanagot sa mga involve sa Batangas port. Baka isa ito sa mga joke sa Customs na ‘there is a crime but there is no criminal.”

Bakit hindi gamitan ni Commissioner Lina at deputy Commissioner Nepomuceno ng strong political will at hilahin sa auction kung ayaw magbayad nang husto sa buwis ang mga ngaparating. Sisingilin sila ng penalty for gross undervaluation, nang pagkakatenga sa nasabing port na aabot daw sa P54-M kung talaging magbabayad.

Itong alyas ‘Melinda” matagal na raw paikot-ikot sa Batangas port na marahil madaling kausap ang mga personnel dito. So,far no hits naroon hanggang ngayon ang Customs.

Sa kaugnay na information, mahigit nang 200 cars and SUVs ang naipalusot na draw sa Batangas port over the past many months.

Bakit madaling naipalusot ng mga fixer na ‘alias Doray’ at alyas Kenneth, isang tsinoy. Peer “Melinda” Doray’ and Kenneth get away with their smuggling operations. Isa lang ang teory ng customer.

The price is right.    

About Arnold Atadero

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *