ANG calcite-encrusted na kalansay ng isang sinaunang tao, na nakabaon sa bato sa loob ng yungib sa Italya, ang nagtataglay ng pinakamatandang DNA ng Neanderthal, ayon sa mga siyentista.
Sinabi ng mga researcher na ang na-sabing mga molecule, na maaaring itakda sa 170,000 taon nakalipas, ay masasabing makatutulong sa pagbigay ng kompletong larawan ng pamumuhay ng mga Neanderthal.
Habang ang modernong tao ang ta-nging nalalabing human lineage, marami pang iba ang nabuhay sa mundo. Ang pinakamalapit na mga extinct relative ng modern humans ay mga Neanderthal, na nanirahan sa Europa at Asya hanggang ma-extinct sila may 40,000 taon ang nakalipas. Nakita kamakailan sa mga pag-aaral na ang mga Neanderthal ay nag-interbred sa mga ninuo ng taga-Europa ngayon nang ang mga modernong tao ay lumaganap mula sa Africa—1.5 hanggang 2.1 porsyento ng DNA ng sinumang taong mula sa labas ng Africa ngayon ay Neanderthal ang pinagmulan.
Noong 1993, natagpuan ng mga siyentista ang buong kalansay ng isang sinaunang tao sa gitna ng mga stalactite at stalagmite sa loob ng limestone cave sa Lamalunga, malapit sa Altamura sa southern Italy—isang bagay na may potensiyal na magpakita ng mga bagong clue ukol sa mga Neanderthal.
Kumakatawan ang Altamura man bilang pinakakompletong kalansay ng nag-iisang non-modern human,” punto ni study co-author Fabio Di Vincenzo, isang paleo-anthropologist sa Sapienza University of Rome.
May palatandaan ang Altamura skeleton ng mga karakter at ugaling Neanderthal, partikular ang mukha at likod ng bungo.
Ngunit mayroon din mga feature na hindi nakikita sa mga Neanderthal—ha-limbawa ang hugis ng noo na mas makapal kaysa mga Neanderthals. Ito ang nagpahirap para malaman kung aling human lineage nagmula ang Altamura man.
Kinalap ni Tracy Cabrera