Multi-sectoral convention on road traffic ang kailangan
Jerry Yap
September 8, 2015
Opinion
KAHAPON opisyal na lumarga sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) ang mga kagawad ng PNP Highway Patrol Group (HPG) para magmando ng trapiko ng mga sasakyan.
Majority ng mga motorista ay nagsabing mayroon namang naging pagbabago at nakaranas naman sila ng kaunting kaluwagan sa pagbibiyahe lalo na sa rush hour.
Pero hindi pa rin nawala ang mahabang pila ng sasakyan na umuusad sa EDSA.
Ibig sabihin bumper to bumper pa rin ang mga sasakyan pero umuusad nang mas mabilis kaysa dati.
Ibig sabihin kung dati ‘e umuusad sila ng 20 kph, baka kahapon ay 40 kph o baka meron pang nakapag-60 kph.
Sa mga pangunahing kalsada na walang itinalagang PNP-HPG, gaya sa Macapagal Blvd. Pasay-Parañaque, as usual, sumasakit pa rin ang ulo ng commuters at motorista.
Ang nagkakaisang feedbacak nga ‘e, maaga silang umalis sa kani-kanilang bahay pero late pa rin nang makarating sa opisina.
In short, marami pa ring nabuwisit kaysa natuwa.
Kung seseryosohing resolbahin, palagay natin ‘e pwede nang pag-isipan ng DoTC ang mga pag-aaral na ito para makapaglunsad ng isang “multi-sectoral convention on road traffic” na ang magiging vision ay “all time stress-free travel in Metro areas roads.”
Wow! Heaven ‘yan kapag na-achieve ang ganyang vision.
Pero alam nating hindi pa ang pagtatalaga sa PNP-HPG ang lubos na solusyon. Ito ay masasabing bahagi pa rin ng eksperimento at pag-aaral na hindi natin alam kung makatutulong talaga para lutasin ang hindi maayos na trapiko ng mga sasakyan sa Metro Manila.
Ganoon pa man, naniniwala tayo na mareresolba ito, kung matutumbok ang tamang solusyon.
Dapat lang sigurong maintindihan ng mga traffic expert natin na magkakarugtong ang mga kalsada sa Metro Manila at mayroong katuturan kung bakit ito magkakarugtong.
Dapat din nilang maunawaan na ang paghugos ng mga tao sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila mula sa airport, sa pier at maging sa mga paaralan, industrial area, at commercial centers ay karugtong ng pagreresolba para maisaayos ang trapiko ng mga sasakyan sa bansa.
Pansinin din ang commuters na nakapila sa MRT at LRT.
May katuturan din ang polisiya na kung walang garahe, hindi dapat payagan bumili ng sasak-yan.
May rason din ang sukat ng mga kalsada, kung bakit may secondary roads, at kung bakit kaila-ngan na mayroong pedestrian, motorcycle at bicycle lane.
Pansinin ninyo na lahat ‘yan ay hindi maayos ang pagkakadisenyo sa ating mga lansangan.
Ibig sabihin, ang traffic jam sa ating bansa ay posibleng nag-uumpisa sa maling paggamit ng kalsada.
Ang classic example rito, pinatay ang kalsada para gawing parking area. Binarahan ang kalsada para latagan ng mga paninda ng ambulant vendors.
Isinara ang kalsada kasi residential area daw.
Inuulit po natin, pansinin nating lahat, at doon ay mapagtatanto natin na mula sa ating bahay, sa komunidad na ating kinabibilangan ay sinisimulan natin ang isang aktibidad na posibleng pinagmumulan ng traffic jam.
Hindi pa kasama riyan ‘yung pagpapahalaga natin sa paggamit ng oras.
Hindi natin inaabsuwelto ang gobyerno sa problema ng malalang trapiko sa Metro areas.
Ang sinasabi natin, pag-isipan natin na buuin ang isang “multi-sectoral convention on road traffic” para makuha ang kabuuang datos na eventually ay magagamit sa pagresolba nito, sa pagbubuo ng mga patakaran na maaaring suhayan, pagtibayin at bigyan ng pangil ng lehislatura na eventually ay magluluwal sa isang “all time stress-free travel in Metro areas roads.”
Paging DoTC Secretary Joseph Emilio Pabaya ‘este’ Abaya!
Ang suwerte-suwerte mo dahil libreng-libre ang advice na ito.
Alam natin na mas maraming henyo riyan sa DoTC pero ang ipinagtataka natin ‘e kung bakit ayaw nilang magpursige nang ganitong klase ng mga aktibidad para sa ikareresolba ng isang malaking ‘teknikal’ na problema sa bansa.
Paging PNOY ADMIN!
Managers ng LRT/MRT na sumahod lang pero inutil, ikulong at pagbayarin!
ISA siguro sa mga dapat gawin ng gobyerno ay magpraktis ng reward system sa bawat ahensiya na nangangalaga sa mga vital installation sa bansa.
Reward system na kapag positibo sa mamamayan ang kanilang serbisyo ay bigyan ng incentives at kung wala namang ginawa sa panahon ng kanilang panunungkulan ay papanagutin at pagbayarin.
Isoli ang suweldong hindi pinagtrabahuan!
Isa na nga rito ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) na supposedly ay nagsisilbing mass transportation sa bansa.
Kung mass transportation, dapat ay nakatutulong ito para maging komportable ang pagbibiyahe ng mga kababayan nating umaasa sa araw-araw na pagbibiyahe sa murang halaga para makarating sa kanilang trabaho, paaralan at/o komunidad na inuuwian nang walang hassle at stress.
Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yan ang vision ni dating Presidente Ferdinand Marcos kaya nga mayroong LRT, MRT at radial & circumferential roads.
S’yempre ang kasunod nang ganitong uri ng proyekto ay mas mataas na uri o kategorya na kahalintulad nito.
Maaaring mula sa 70 coaches ay madoble ito sa paglipas ng panahon. O ang dalawang balikan na riles ay maging apat.
Pero hindi nga nangyari ito.
Ang 70 coaches ay nabawasan na yata nang husto. Suwerte na sigurong 10 coaches pa ito. At ang riles, siyempre ganoon pa rin.
Ibig sabihin, sa haba ng panahon, walang ginawa ang mga namahala sa LRT at MRT.
Hindi nila naisip na darami ang mga taong gagamit nito kaya hindi rin nila naisip na kai-langan i-upgrade ang sistema…
At dahil sa kanilang kapabayaan, ang sambayanang commuters ang nagdurusa ngayon.
Kumubra lang ng suweldo at nagpakabusog ang mga opisyal pero hindi nagserbisyo.
Kaya dapat lang siguro na bawiin ang isinuweldo sa kanila at pagbayarin pa sa perhuwis-yong dala ng kanilang pamumuno sa LRT at MRT.
Hindi ba, managers Bobby Lastimoso, Mel Robles at Al Vitangcol III?!
Ano sa palagay ninyo, Secretary pabaya ‘este Abaya?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com