Saturday , November 23 2024

Pagkahiwalay ng simbahan at estado (2)

USAPING BAYAN LogoUSAPIN ngayon sa mga barberya at pondohang bayan ang tungkol sa “separation of church and state” o ‘yung pagkahiwalay ng simbahan at estado. Tinatalakay ng mga pilosopong bayan ang ugat nito at kung sino at paano ito nalalabag.

Ang “separation of church and estate” ay prinsipyong gumagabay sa ating Republika mula nang unang maitayo ito sa Malolos noong 1899. Ito ay reaksiyon sa labis na panghihimasok ng simbahang Katoliko Romano sa mga gawain ng estado. Noong araw kasi, lalo na sa panahon ng mga Kastila, ang may tangan ng kapangyarihang politikal ay nasa loob ng Katedral ng Maynila at wala sa mga silid o bulwagan ng Palasyo ng Malacañang na tirahan naman ng gobernador heneral.

Dahil sa “separation of church and state” na nakasulat sa kasalukyang Konstitusyon ay hindi na maaaring makialam ang kahit na anong relihiyon, sekta o kulto sa pagpapatakbo ng pamahalaan at bilang tugon ay hindi naman maaaring panghimasukan ng estado ang mga bagay na may kaugnayan sa relihiyon at pagsasabuhay nito maliban na lamang kung ito ay labag sa mga umiiral na batas o kaya ay magdudulot ng panganib sa mananampalataya.

Kaugnay nito ay malinaw na hindi puwedeng sumangkot ang isang relihiyon, sekta o kulto sa mga gawain ng pamahalaan at hindi naman puwedeng itaguyod o bigyang ganansiya ng pamahalaan ang isang relihiyon, sekta o kulto. Kung ano man ang nagaganap na pakinabang nila sa isa’t isa, ito ay aksidente lamang.

Gayon man ay nalalabag ang panuntunang ito dahil sa kagagawan ng mga pulpol na politiko o pul-politiko. Sa totoo lang sila ang “violators” ng “separation of church and state.” Bakit ‘ika ninyo? Kasi sila ang nanliligaw nang todo sa mga pinuno ng relihiyon, sekta o kulto tuwing panahon ng halalan upang makuha ang kanilang suporta.

Sinasamantala ng mga pul-politiko ‘yung “herd mentality” o pagiging sunod-sunuran na naitanim sa kasapian ng mga panatiko ng relihiyon, sekta o kulto para makakuha ng siguradong boto sa halalan. Ngayon, kapag nanalo ang mga pul-politikong ito sa tulong ng mga nilapitang pari, pastor o ministro ay magkakaroon sila ng utang na loob na kailangang bayaran sa pamamagitan ng inaasahang mga political accommodation o appointment sa pamahalaan. Iyan ang malinaw na paglabag sa “separation of church and state.”

Kilala natin ang mga violators na ito. Kilala natin kung sinong senador, congressman, mayor, konsehal o barangay captain ang laging nangayuyupapa sa pagbebenta ng kanilang poder sa mga oportunistang pari, ministro o pastor. Huwag natin silang iboto. Huwag din suportahan ang mga lider pananampalataya na ang sampalataya ay nasa mga pul-politiko. Itakwil natin ang mga salot na ito.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *