Wednesday , November 20 2024

Hustisya para sa mga Tayabasin tuluyan na bang ibinasura ng Sandiganbayan 4th division?

tayabas dondi silangMUKHANG tuluyan nang ‘itinago sa baul’ ng Sandiganbayan 4th Division ang matagal nang pinakaaasam-asam na ‘katarungan’ ng mga Tayabasin sa pamamagitan ng pagsuspendi sa kanilang punong lungsod na si Mayor Dondi Silang.

Noong Enero (2015) pa raw inaasahan ng mga Tayabasin na masususpendi ang kanilang punong lungsod dahil sandamakmak na asunto ang kinakaharap sa Sandiganbayan, pero Agosto (2015) na, namamayagpag pa rin at mukhang naghahanda na para sa 2016 elections si Mayor Dondi.

Aba ‘e kahit sinong staff raw ang tanungin sa 4th Division ng Sandiganbayan ‘e parang walang nakaaalam kung nasaan na ang mga papel?

Kaya ngayon daw ‘e tigas ang pagmamalaki ng kampo nina Mayor Dondi na walang darating na suspension order!?

Magkano ‘este’ ano kaya ang dahilan at madalas umanong ipinagmamalaki ni Mayor Dondi na hindi na lalabas ang suspension order laban sa kanya?!

Naniniwala ang mga Tayabasin na malaki ang ‘ginastos’ para hindi na maipatupad ang  suspension order ngayong taon.

Kapag nangyari ‘yan, safe na safe na si Mayor Dondi dahil pagpasok ng 2016 ay tiyak na ipatutupad na ang election ban kaya magkakaroon ng status quo sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Sabi nga ng mga Tayabasin, talagang mailap ang hustisya sa kanila. Tuloy ang hirap at panggigipit sa publiko.

Pero sa kampo raw ng kanilang Mayor, tuloy ang ligaya at at issue ng kurakot.

Isang halimbawa na umano riyan ang tanggapan nina Market Administration Veronica Naynes Garcia at Business Permit and Licensing Office (BPLO) head Nilo Cabuyao.

Nagsimula na umanong mang-harass ng mga establishment na gustong paalisin sa kanilang puwesto ni Mayor Dondi.

Kaya ang nangyari, marami umanong inalisang puwesto ang nakatiwangwang ngayon. Wala pa raw kasing approved budget.

Mukhang eksperto lang daw sa pangha-harass kaya nga bigong-bigo ang mga Tayabasin hangga’t hindi naibababa ang preventive suspension order ng Supreme Court mismo!

Tuluyan na nga raw nabalewala ‘yung sinabi ng Supreme Court na mandatory preventive suspension, para hindi maimpluwensiyahan ang kaso at hindi maperhuwisyo ang mga dokumento.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *