Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Outlook sa buhay ni Boyet, maganda pa rin

080515 boyet Christopher de Leon
SA kabila ng lahat ng pinagdaanan niyang problema, mukhang maganda pa rin ang outlook sa buhay ni Christopher de Leon. Masayahin pa rin siya. Masaya pa siya kung magkuwento ng lahat ng kanyang ginagawa. Nakita namin siya sa launching ng bago niyang seryeng Beautiful Strangers.

Siguro nga, sabi nila, dahil din iyon sa kanyang pananampalataya. Alam naman natin na si Boyet ay isa sa mga artistang masasabing matibay ang pananampalataya sa Diyos. Kabilang kasi siya sa isang Catholic Christian community. In fact noong magkita kami, ang una niyang binati sa amin ay ang suot naming krus na sabi niya ”ganoon ka pa rin ha.”

Kung minsan, napakalaki talaga ng nagagawa ng pananampalataya ng isang tao. Kahit na anong hirap ng buhay ang dinaraanan, gumagaan pa rin ang kanyang pakiramdam at nakagagawa ng mga tamang desisyon.

Isipin ninyo si Boyet, magkasabay na nagkasakit ng malubha ang kanyang asawa at anak, pero nakayanan niya ang problemang iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …