ZERO pa rin ang lovelife ng mabait at napakasipag na Cong. na si Win Gatchalian, pero very vocal naman ito sa pagsasabing crush niya sina Iza Calzado at Liza Soberano.
Tsika ni Cong. Win, ”Iyan nga ang malaking problema eh, ‘yang lovelife ha ha ha, nagpapasalamat naman ako kasi marami ang sumusuporta sa atin, sumusuporta ha hindi nagmamahal ha ha ha.
“At doon ako humuhugot ng inspirasyon para gumawa pa ng mas maraming magagandang bagay.
“Wala pa nga akong natatagpuan, siguro nga hindi pa tayo biniyayaan ng Diyos sa aspetong ‘yan, siguro one day darating din sa atin ‘yan.
“Basta sa akin importante ang chemistry, importante ang magandang samahan niyo, sa trabahong ito napakahirap, marami tayong ginagawa.
MATABIL – John Fontanilla