Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA, bilib sa epektibong pagkasalbahe ni Donita

 

050515 Donita Rose

ANG sarap daw lamutakin sa sampal ang magandang mukha ni Donita Rosedahil sa kasamaan niya o ng role niya sa primetime show sa GMA dahil galit ang fans nina Gabbi Garcia na stepdaughter niya sa show.

Asawa ni Donita si Gardo Versoza na ama naman ni Gabbi na ang ina ay si Rita Avila. Nagkahiwalay sina Gardo at Rita, sa ama naiwan si Gabbi na inaapi ni Donita at ng pamangkin na maldita, na ginagampanan naman ni Rita De Guzman.

In Fairness, magaling na kontrabida ni Rita.

O, hayan, dalawa ang gustong sapakin ng TV viewers na love sina Gabbi atRuru Madrid. Pero ‘di ninyo alam na super saya ni Donita kapag ganyang galit sa kanya ang followers. Natupad na kasi ang pangarap niya na maging bad girl naman sa anumang project, TV man o movie na papel na ginagampanan niGladys Reyes.

In fact, kinausap niya si Gladys na best friend niya at idol na sana ‘pag may mag-offer sa kanya sa TV or movie maibigay sa kanya ang role na salbahe at dumating naman ito..

Ani Donita, ‘wag nang magalit sa kanya ang fans dahil dream come true ang role niya sa serye. In fact, may kasunod ng project na naka-cast siya as kontrabida. Satisfied pala ang Kapuso sa kanyang pagganap na salbaheng madrasta.

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …