Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ginilitan ni mister (Sinisi sa pagbubuntis ng anak)

GENERAL SANTOS CITY – Agad binawian ng buhay ang isang misis makaraan gilitan sa leeg ng kanyang mister sa loob mismo ng kanilang bahay sa Prk. Kulasi, Brgy. Labangal sa Lungsod ng General Santos kahapon.

Kinilala ang namatay na si Jovelyn Ola, 36, at nang magbalik-Islam ay naging Fatima Ola ang pangalan, habang ang mister ay si Abdul Javier Ola, 35, isang Muslim.

Sa imbestigasyon, matindi ang pagtatalo ng mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto pasado 2 a.m. nang mangyari ang insidente kahapon.

Gamit ang itak, ginilitan sa leeg ng mister ang kanyang misis na agad ikinamatay ng biktima.

Sinisi ng mister ang kanyang misis sa pagkakabuntis ng kanilang panganay na anak na si Ahara Ola, 16, dahil sa pagpapabaya.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa suspek. Habang nanawagan ang isa pang anak ng mag-asawa sa kanyang ama na sumuko na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …

Valenzuela

College scholarship sa Valenzuela bukas na para sa pagtanggap

SINIMULAN ng Valenzuela local government unit (LGU) ang pagtanggap ng mga iskolar para sa Dr. …

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …