Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakasyonista nag-selfie sinalpok ng motorsiklo

LAOAG CITY – Patay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang isang bakasyonistang nag-selfie pero nabangga ng motorsiklo sa Brgy. Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Insp. Samson Amistad, hepe ng PNP Pagudpud, ang biktimang si Liezel Wage Ramones, 37,  naninirahan sa Brgy. Ganagan sa bayan ng Bacarra.

Habang kinilala ang suspek na isang menor de edad na si Serigno Lagundino, 17, construction worker at residente ng Brgy. Balaoi sa bayan ng Pagudpud.

Nangyari ang aksidente nang patungo ang biktima kasama ang ilan pang bakasyonista sa zipline ngunit bumaba muna sa kanilang sinakyan upang mag-selfie.

Ngunit habang nagse-selfie ay bigla na lamang siyang binangga ng humaharurot na motorsiklo.

Nasugatan din ang suspek na nabiyak ang bibig kaya dinala rin sa pagamutan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …

Valenzuela

College scholarship sa Valenzuela bukas na para sa pagtanggap

SINIMULAN ng Valenzuela local government unit (LGU) ang pagtanggap ng mga iskolar para sa Dr. …

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …