PORMAL nang inianunsyo ng Malacañang ang pagtatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Atty. Florin Hilbay bilang Solicitor General sa Office of the Solicitor General (OSG).
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinirmahan ni Pangulong Aquino ang kanyang appointment noong Hunyo 16, 2015.
Si Hilbay ang papalit kay dating SolGen Francis Jardeleza na naitalaga na noong Agosto 2014 bilang Supreme Court (SC) associate justice.
Nang malipat si Jardeleza, si Hilbay na ang naging acting solicitor general.
Mula noong Marso 2013 ay siya na rin ang tumatayong senior state solicitor.