NAGA CITY – Patay ang isang lalaki makaraan magbaril sa sarili sa harap ng kanyang misis sa Brgy. Sta. Justina, Buhi, Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Yunel Añes, 31-anyos.
Nabatid na pinuntahan ng biktima ang kanyang asawang si Sarah Jane Añes, 28, sa bahay ng magulang at kinompronta tungkol sa kanilang problema.
Makaraan ang sandaling pag-uusap ng mag-asawa, biglang bumunot ng baril ang biktima at ipinaputok sa kanyang ulo.
Labis na ikinabigla ng babae ang ginawa ng kanyang mister.
Isinugod sa pinakamalapit na ospital ng biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.