TALBOG – Roldan Castro
NAGSIMULA na ang maalab na gabi sa worldwide telenovela sensation na Pasion de Amor kagabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Tampok sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Ellen Adarna, Coleen Garcia, at bagong Kapamilya na si Arci Munoz.
Tunghayan ang kuwento ng pag-ibig at paghihiganti ng pamilya Samonte at Elizondo.
Mamarkahan ng Pasion De Amor ang pagbabalik sa pagdirehe ng teleserye ni Eric Quizon. Kasama rin sa sa cast ang nagbabalik telebisyong si Teresa Loyzaga, Aubrey Miles, Michelle Madrigal, Ahron Villena, Ingrid Dela Paz, Daria Ramirez, Alex Castro, AJ Dee, Ron Morales, Zeppi Borromeo, Ashley Rivera, Benj Bolivar, Nathaniel Britt, Mauro Lumba, June Macasaet, at espesyal na partisipasyon ni Mr. Ronaldo Valdez.
Boom!