MULI na naman palang namamayagpag ang isang ‘tulis’ ‘este pulis ng Manila Police District (MPD) dahil sa walang habas na pangongolektong sa Kamaynilaan.
Isang alias TATA MANLAPASTANGAN ang bidang-bida ngayon sa kolektong sa lahat ng vices, KTV club at sa mga pobreng vendor.
Dati raw ay nawalan ng galaw at naihawla ang kamoteng pulis noong administrasyon ni dating MPD district director Gen. Rolando Asuncion sa kanyang opisina pero ngayon ay parang asong ulol na pinakawalan para maghasik ulit ng lagim sa Maynila.
Isang grupo riyan sa MPD HQ ang binabandera ni alias Tata Manlapastangan para sa tara y tangga.
By the way Gen. Rolly Nana, kasama pa ang opisina mo sa mga ginagasgas ni Tata Manlapastangan sa pangongolektong.
Sonabagan!
Aba’y hindi na ako magtataka kung patuloy na namamayagpag ang mga ilegal na sugal at droga sa Maynila dahil may ‘timbre’ sila diyan sa MPD HQ!?
Gen. Rolly Nana, mukhang humihina ang Intel mo at hindi mo yata namo-monitor ang katarantaduhang ginagawa ni bagman Tata Manlapastangan!?
Hindi mo ba talaga alam ‘yan Sir!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com