Tuesday , December 24 2024

Kahit hiwalay na kay Katrina, Kris Lawrence sustentado pa rin ang anak sa sexy actress

 

ni Peter Ledesma

052515 kris lawrence katrina halili

RESPONSABLE pa lang ama si Kris Lawrence, at kay Katrina Halili na mismo nanggaling na sustentado ni Kris ang daughter nila kahit hiwalay na sila ng dating ka-live-in na RNB singer.

Well kitang-kita naman sa personality ni Kris na mabuti siyang tao at ‘di siya katulad ng ibang mga actor natin na pagkatapos makabuntis ay pabaya na sa anak nila. Saka hindi man gaanong kalakasan ang raket ngayon ni Kris ay sinisuguro niyang makapagbibigay siya ng monthly support sa anak na si Katie.

Kaya kita naman ninyo kahit na iisa lang ang show ng singer sa GMA-7 na napapanood tuwing Linggo sa “Sunday All Stars” dahil siya ay mapagmahal na tatay, hindi siya nawawalan ng kita sa mga kumukuha sa kanya sa out-of-town show.

Two weeks ago, kagagaling lang pala ni Kris sa Ilagan Isabela at ang gay comedian singer na si Mojack ang kumuha sa kanya. Kuwento ni Mojack, pinagkaguluhan ng fans si Kris na main performer sa ka-fiestahan ng lugar. Kaya naman tuwang-tuwa raw ang kaibigan na mayor.

Good karma gyud!

PAG-IIBIGAN NINA KIM AT KIKO AT KUWENTO NANG INIWANG ANAK AT STARDOM MATUTUNGHAYAN SA “MY MOTHER’S SECRET,” NGAYON GABI NA SA GMA TELEBABAD

Month of May is Mother’s season kaya naman very timely ang pagsisimula ngayong gabi, May 25 sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras ng pinakabagong drama series na “My Mother’s Secret” na pinagbibidahan ng love team nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada kasama sina Christian Bautista, Lotlot de Leon, Gwen Zamora, Sharmaine Buenca-mino, Meryl Soriano at marami pang iba.

Sa grand presscon ng nasabing teleserye na ginanap sa 17th floor ng GMA Bldg Executive Lounge, naging tampulan ng tuksuhan sina Kim at Kiko na pilit mang pinaamin ng entertainment press, ay nanindigan pa rin na walang relasyon at malapit lang daw na magkaibigan ang dalawa.

Nang ipakita sa nasabing press conference ang full-trailer ng My Mother’s Secret, ay isa kami sa naantig sa heavy dramang kuwento nito na iikot sa character ni Vivian (Gwen) na sa kagustohang maipagpatuloy ang pag-aartista at makamit ang fame ay iniwan ang kanyang childhood sweetheart na si Anton (Christian). Kaso, buntis pala siya (Vivian) at dahil ayaw niyang maging batang ina at matulad sa sister na si Stella (Meryl) na may mga anak pero hindi naman nito kayang buhayin, kanyang itinago ang pregnancy at iniwan kay Cora (Lotlot) ang midwife na tumulong magpaanak sa kanyang daughter na si Neri, na gagampanan naman ni Kim.Na-involve sa isang scandal si Vi-vian na naging rason nang pagkasira ng career at umuwi na lang sa probinsiya. Si Anton ay mayaman na at matagumpay na engineer at negosi-yante at pinatawad na si Vivian, pinakasalan at nagsama sila sa iisang bubong. Pero isang matinding pagsubok ang dumating sa mag-asawa nang ma-diagnose ng doktor na may matinding karamdaman si Anton at kailangan nito ng donor.

Ipinahanap ni Vivian kay Cora ang kanyang anak at malalaman nito na si Kim pala ang iniwang anak. Sa takot na baka mawala uli si Anton at adopted niece nilang mag-asawa, nagdesisyon siya na itago ang lihim sa kanyang pamil-ya.

Pero mapapatawad kaya nina Anton at Neri sina Vivian at Cora sa kanilang pagsisinungaling kapag nalaman ang buong katotohanan. Magta-tagpo pala ang landas nina Kim at Craig (Kiko) sa isang orphanage kung saan siya nagsisilbi para masuportahan ang kanyang pag-aaral at si Craig naman ay volunteer sa nasabing orphanage. Dito na made-develop ang dalawa sa isa’t isa.

Maganda ang chemistry nina Kim at Kiko at subok na ang husay at galing ng dalawa pagdating sa acting. Mas lalong naging intense ang acting dito ni Christian kaya di imposibleng ma-nominate ang singer-actor sa mga award giving bodies sa TV next year. Of course sa larangan ng drama ay hindi rin matatawaran ang kapasidad ni Lotlot de Leon at ng beteranang chracter actress na si Sharmaine Buencamino ganoon na rin siyempre si Meryl Soriano. Si Gwen ay nag-level up pa lalo ang pagiging aktres dito. Si Neal del Rosario ang director ng My Mother’s Secret at binuo naman ito ng GMA Drama Group na pinangungunahan ni Lilybeth G. Reasonable, Senior Vice President for Entertainment TV; Redgie A. Magno, Vice Pre-sident for Drama; Cheryl Ching-Sy, Assitant Vice President for Drama; Catherine O. Perez, Senior Progam Manager and Executive Producer Mitchelle R. Borja.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *