MARAMI ang nakapupuna ngayon sa inaasal ng ilang City of Dreams casino & hotel representatives diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Kapag naroroon kasi sila sa NAIA terminal 3, aba e kung magsiasta umano ang mga hotel representatives ‘e parang nabili na nila Airport.
Kahit siguro i-review pa ang CCTV cameras sa nasabing area ‘e walang ibang makikita kundi sila na nakapwesto pa sa arrival customs area sa mismong escalator pagbaba mula sa Immigration.
Reklamo nga ng ibang mga hotel reps, bakit sila ay hanggang lobby o sa labas lang pero itong mga tiga-City of Dreams ay may special treatment sa loob ng terminal 3.
Aba ‘e talagang nakabalandra sila ‘dun na parang sila lang ang may karapatang sumalubong sa mga dumarating na pasahero.
Bakit nga ba AGM Vicente Guerzon!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com