Monday , December 23 2024

Petisyon ni Sen. Trillanes na ipatigil ang K-12 program dapat natin suportahan

00 Bulabugin jerry yap jsyISA tayo sa mga naniniwala na dapat suportahan ang panawagan ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na ipatigil ang K-12 program o Republic Act 10533 na magdaragdag ng dalawang taon sa high school ang Department of Education (DepEd).

Una, gaya ng sinasabi ni Senator Trillanes, hindi makitaan ng kahandaan ang DepEd gayon din ang Commission on Higher Education (CHEd) sa pagpapatupad ng programang ito.

Sa kanyang Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order na inihain, sinabi ni Trillanes na labag sa Saligang Batas ang pagpapatupad ng K-12 law sapagkat hindi ito umaayon sa probisyon na naggagarantiya sa karapatan ng mga tao at ng kanilang kinabibilangan na organisasyon na makonsulta at makalahok sa ano mang antas ng sosyal, politikal, at pang-ekonomiyang pagdedesisyon.

Sa Senado, nag-iisa lamang si Senator Trillanes na hindi sumang-ayon sa pagpapatupad ng K-12 program, kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit marami siyang kritiko at detractors sa isyung ito.

Excuse lang po ano, si Senator Trillanes, umikot siya sa iba’t ibang probinsiya at lungsod sa buong bansa lalo na doon sa mga liblib na lugar at siya mismo ang nakarinig ng mga hinaing ng mga teacher, magulang at estudyante.

Alam po ba ninyo kung ano ang kalagayan ng mga kababayan natin sa mga liblib na pook?!

‘Yung hindi makapag-aral kasi malayo ang eskwelahan. Kailangan muna nilang lumakad sa mga pilapil, tumawid ng ilog at bumaba-umahon sa bundok bago makarating sa kanilang eskuwelahan.

Pagdating sa eskuwelahan, nakasalampak sila sa ilalim ng puno at doon nag-aaral kasi, walang school building, at lalong walang upuan.

Alam nating maraming proyektong school buildings and classrooms ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tulong ng PAGCOR, pero maliwanag na iyon ay backlog pa noong mga nakaraang administrasyon. Mabuti na lamang at mahusay si PAGCOR Chairman Bong Naguiat kaya tuloy-tuloy ang proyekto NA ‘yan.

At ‘yun ang isang napakalaking concern dito ni Senator Trillanes, mantakin ninyong ‘yung 10 taon nga lang sa elementary at high school, kinakapos pa tayo sa school buildings ‘e di lalo na ‘yang magdagdag pa ng dalawang taon?!

Kung itutuloy ang K-12 program maliwanag na ang makikinabang dito ay mga private school. Dahil pribado at magbabayad nang malaki ang mga magulang para sa tuition fee, natural pagsisikapan nilang mag-open ng Senior High Schools.

‘Di ba, DepEd Sec. Armin Luistro?!

Hindi mo kasi nakikita ang problemang ‘yan Mr. Luistro dahil galing ka sa De La Salle University (DLSU) na ang mga estudyante ay kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang sa napakataas na tuition fee!

Baka nalilimutan ninyo, mas maraming mahirap at naghihikahos sa bansa kaysa may kakayahang magpaaral sa private schools.

Kaya nga marami ang naghihinala na ‘yang mabilis na pagpapasa ng K-12 Law ay pabor na pabor sa mga may-ari ng mga paaralang pribado, ‘di ba, Mr. Luistro?!

Kung si Senator Trillanes ay naninindigan para tutulan ang pagpapatupad ng K-12 program dahil nakita at napag-aralan niya na lalo lamang nitong pagkakaitan ng edukasyon ang mahihirap nating kababayan, ito namang si Education Secretary Lusitro ay atat na atat na ipatupad ang K-12 program.

Naiintindihan natin na ito ay imposisyon ng IMF-WB dahil kasama ito sa Letter of Intent (LOI) ng mga naunang namahala sa gobyerno natin para makautang sa nasabing institusyon, pero por Diyos por Santo, Secretary Luistro, suriin mo nga ang krus sa iyong dibdib, kung  ‘yang K-12 program ay naaayon sa turong-Kristiyano?!

Secretary of Education ka pa naman, ikaw dapat ang unang naninindigan laban sa mga maglulublob sa ating mga kabataan sa kamangmangan pero ikaw pa ang nanguna.

Mabuti na lang at mayroong isang Senator Trillanes na kahit nag-iisa lang siya sa mga hindi sumang-ayon sa K-12 Law ‘e hanggang ngayon ay lumalaban.

Ngayong araw, Mayo 9, dakong 3pm, ay maglulunsad ng isang malaking rally laban sa K-12 Law sa Liwasang Bonifacio Maynila, inaayayahan po natin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral at mga edukador na lumahok para ipakita ang malawak na pagtutol sa implemantasyon ng K-12 program.

Ipaglaban natin ang tunay na edukasyon para sa ating mga kabataan.

Nobody can stop Mison

Sa kabila ng sandamakmak na reklamo, protesta, pakiusap at paglabag sa CSC rules and regulations ay talagang itinuloy pa rin pala nitong si Immigration Comm. Fred ‘valerie’ Mison ang kanyang proyektong nationwide rotation.

Kung kailan patapos na ang PNoy administration ay saka pa napahirapan ang BI employees.

Parang naghahanap ng mga magagalit sa administrasyon ni PNoy ‘di ba!?

Kahit marami pa rin hindi klaro gaya ng kung saang budget kukunin ang travel expenses at kung saan iha-house ang halos 100 Immigration Officers na makakasama sa nasabing rigodon.

Hanggang ngayon mismong ang BI-AOD ay aligaga pa rin daw kung saan kukunin ang na-sabing mga budget kaya hindi lang miminsang naunsyami ang pagde-deploy sa kanilang mga tao.

Kahit wala pa rin approval ang COA at BI-FMD pinilit pa rin i-push ang proyekto basta ang importante raw masunod ang kagustuhan nitong si Comm. Fred Mison. 

Pero may balita tayo na maghahain daw ng TRO sa korte ang presidente ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) para pigilan for the last minute ang nasabing nationwide rotation.

But knowing Mison na alam naman natin na wala rin pinakikinggan kundi ang tibok ng kanyang yagbols ‘este puso, siguradong lalaban nang patigasan huwag lang siya mapahiya, ‘di ba?

Kahit itanong mo pa ‘yan kay Atty. Plantsador!?

Ngek!!!

Hinaing ng MPD PS-7:  Huli nila inagaw  ng iba ang kredito

SIR JERRY, alam nyo po ba ang nangyari sa MPD PS7 nakaraang linggo, may nahuli kami sa Tondo PS7 sa isang checkpoint at nakalawit namin ang matagal nang pinakaaabangang grupo ng mga  HIJACKER ng trak at nerokober ng kasamahan ko ang isang ALUMINUM WING TRAK na naglalaman ng 400k assorted flat TVs. Magandang accomplishment at trabaho ho namin sana sir Jerry pero ang masakit ho inagaw ng isang grupo sa MPD HQ ang kredito ng trabaho namin. Pinalabas pa na nalusutan daw kami sa checkpoint at sila ang humabol at humuli.

Nagpa-drawing pa ng press release at siniraan pa kami. Ginamit pa kami para magpalakas sa ‘taas. Ang ganitong bulok na gawain ho ay nakaka-demoralized sa aming mga pulis na nagtratrabaho ng maayos. -Concerned MPD PS-7 personnel. Pakitago na lang email-add ko po.

Security agency sa Angeles 12 hours duty, p250 lang ang sahod

PAKIBULABOG po ‘yung security agency dto s Sto. D0mingo, Angeles City. Dahil kawawa nman ‘yung mga security guard na 12 h0urs nka duty tp0s 250 lng ang sah0d. Paan0 makakabuhay ng pamilya sa ganit0ng sah0d. Hinde umaab0t sa minimum wage. Sana matulungan nman ng ating pamahalaan ang mga ganit0ng pr0blema ng security guard. Nakataya ang buhay nila s bawat duty nla, tp0s ganito lng ‘yung sah0d nila. Salamat po. Sana mapatupad na ‘yung dagdag sah0d. #+63094543 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *