Wednesday , November 6 2024

Gen. Albano is new Region 4-A PNP director

CRIME BUSTER LOGOMAY ilang buwan ding nawala sa sirkulasyon ng mga balita ang pangalan ni Chief Superintendent Richard Albano nang mapasama siya sa sibakan ng mga police director sa Metro Manila kamakailan.

Naala-ala ko na naging pamilyar ang pangalan ni general Albano nang siya ang maging police director sa Quezon City Police District Office (QCPDO) sa lungsod na nasasakupan ni Mayor Herbert Bautista. Ang pangalan niya ay laging laman ng mga radio, TV at mga pahayagan dahil sa malalaking “Police Accomplishment” krimen na solved niya at ng kanyang mga tauhan sa panahon na siya ang topman sa QCPD.

Kaya ang mga taga-media na nagko-cover sa area ng Quezon City ay laging hinahanap ang low file at mabait na police general. Nang ma-relieved siya sa QCPD ay marami sa mga kasamahan ko sa local media ang nalungkot sa tinatawag nilang “Friend of the Press.”

Anyway, sa Philippine National Police (PNP) ay may tinatawag na ‘weather-weather lang!!!” Kapag tinamaan ka ng swerte o lucky numbers, hindi mo na kailangang hanapin pa. Sigurado panalo ka sa labanan.

Kung hindi magbabago ang ihip ng hangin sa Lunes ng umaga, sa compound sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna ay matutunghayan na ang anino ng bagong regional director ng PNP sa Region 4-A. Iyan ay sa katauhan ni general Richard Albano ng Philippine Military Academy Class ’84.

Si Albano ay mistah ni general Raul Petrasanta sa academy sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Dahil matunog din ang pangalan ni general Petrasanta na sa kanya ipamamana ni Pangulong Noynoy Aquino ang trono sa main headquarters ng PNP sa Camp Crame sa susunod na mga araw, ngayon pa lamang ay kanya-kanya nang gapang ang ilang junior officer ng PMA. Alam n’yo na kung bakit???

He, he, he!!! Iba talaga kapag may loyalty ka at may tiyaga ka sa iyong immediate superior, mas malaking suwerte at biyaya ang darating. Huwag sanang makalimot si ex-RSOG PNP region 3 chief, Major Montante???

Sibakin ang tamad

MAGIGING abala ang kauupong PNP Region 4-A director, Chief Supt. Richard Albano kapag pinangatawanan nito ang pagiging matapat at disciplinarian na opisyal ng PNP lalo na nga at karamihan sa maiiwan ng kanyang predecessor ay tutulog-tulog o kung hindi man ay mga tamad.

Unahin muna natin ang Batangas kung saan ay hindi na natin mabilang kung ilang ulit na nating tinawagan ng pansin ang marami-rami din namang police chiefs dahil sa hindi matinag na operasyon ng mga illegal na pasugal tulad ng STL bookies o jueteng, Baklay o sakla, pergalan, tupada at iba pa.

Sa bayan ng Rosario kung saan ang Hepe ay si PCI Telesforo Domingo ay may dalawang lisensyadong sabungan, ang JV Cockpit o Tombol Cockpit sa Brgy. Quilib at M.D Cockpit sa Brgy. Natu. Ngunit sa bisinidad nito ay sinasabing may mga baklayan o saklaan at Pimpong o Tao-Ibon.

Si PSI Oliver Ebora, hepe ng pulisya ng San Jose ay di naman daw tinitinag ang operasyon ng Small Town Lottery bookies o jueteng nina Kap. Noel ng Lalayat, Kap. Ineo ng Galamay-Amo at Kap. Indo ng Dagatan.

Sa Tanauan City, na ang hepe ay si Supt.  Christopher Olazo ay sangkatutak din ang nag-ooperate na STL bookies sa kanyang AOR. Ang mga sinasabing operators ay sina Kap. Biscocho. Angie, Lito, Jr. Biscocho, pawang sa Poblacion. Kap. Lucido, Angel at Dexter sa Brgy. Pantay na Matanda at Pantay na Bata, Dama at Cancio sa Ulango, Ed Villanueva at Obet Malabanan sa Ambulong, at Jun Ocampo sa Bagbag.

Sa Lipa City ay tila pader na di rin matinag ni Supt. Carlos Barde ang STL bookies operation ni Carling ng Bulacnin at ang pergalan ni Boy Life sa Bolbok sa Lipa City.

Sa bayan ng Bauan ay talamak din ang operasyon ng STl bookies sa lalo na sa Bauan Public Market at sa Brgy. Pandayan ni Alias Violy.

Sa munisipalidad ng Ibaan ang STL bookies operator ay si Acebo ng Munting Tubig. Ang hepe ng kapulisan sa bayan ng Talisay ay si PSI Dwight Fonte samantalang sa bayan ng Laurel ay si PSI Aldovino.

Kontrolado naman ng nag-iisang gambling lord na si Alias Topher ang ilegal na STL bookies o jueteng sa mga naturang bayan. Hindi naman maitatatwa na sa lahat ng lapses ng PNP tungkol sa kampanya sa illegal vices ay  laging may kaakibat na pananagutan si Batangas PNP Provincial director, Sr. Supt. Jireh Omega Fidel.

Sa lalawigan ng laguna, humahakot ng taya o kubransa ang pa STL bookies nina Edwin, alias TOCE, Tita, alias Dinglasan at Top-Top sa Cabuyao, Laguna. 

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *