Thursday , December 26 2024

Pamamayagpag ng ilegal na sugal sa Metro Manila

00 firing line robert roqueLUMINGON lang kayo sa inyong paligid ay makikita ninyong namamayagpag ang sugal sa ating bansa, legal man ito o ipinagbabawal.

Halimbawa na rito ang mga casino sa Kamaynilaan at pati na sa mga lalawigan na parang mga kabute na nagsulputan sa mga nakalipas na taon.

Aminado tayo na malaki ang naitutulong ng mga casino sa gobyerno, sa pamamagitan ng buwis na nalilikom mula sa operasyon nito.

Pero bukod diyan, ayon sa ating sources ay may mga tiwaling opisyal pa rin na nakikinabang sa pagtanggap ng suhol mula sa ilang dayuhang sangkot sa sindikato, na karamihan ay Intsik at Koreano, na ayaw magbayad ng buwis sa pagpapatakbo ng online gambling sa mga casino.

Ang lisensya kasi ng mga dayuhang ito mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay para magpatakbo lamang ng casino, pero walang pahintulot na mag-operate ng online gambling.

Ang iba umano sa kanila ay wanted sa sa-riling bansa, pero dahil kaya nilang tapalan ng pera ang ilang tiwaling opisyal natin ay nagagawa nilang magtago at magpayaman dito. 

***

Pero kung may ilegal na sugal na matatagpuan sa lehitimong mga pasugalan tulad ng mga casino, ay lalong mas maraming namamayagpag sa mga sugal na ipinagbabawal sa ating bansa.

Nariyan si Toto Lacson ng Lucban Street, Bangkal, Makati na nalaman nating nagpapatakbo ng pinakamalaking lotteng, bukis ng karera at ball-alai sa lugar ng Southern Police District. Umaabot daw sa P500,000 ang kubransa nito sa araw-araw. Isa sa mga patayaan ni Lacson ay matatagpuan sa Mc Kinley Street sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Tinatawagan natin ng pansin si Senior Superintendent Ernesto Barlam, chief of police ng Makati. Natutulog ba ang kanyang mga pulis sa pansitan kaya patuloy na napalulusutan ni Lacson?

Nariyan din ang pamamayagpag ng video karera machines na pinatatakbo ni Jojo Cedeno sa buong lungsod ng Pasay at Parañaque. Masamang impluwensiya ito dahil bukod sa pinagpupuyatan ng mga kabataan ay iniistambayan ng mga nagtutulak ng bawal na droga tulad ng shabu.

Pero bakit mistulang bulag sa nagkalat na VK machines ang Southern Police District (SPD) head na si Chief Superintendent Henry Rañola Jr., Parañaque police chief Senior Superintendent Ariel Andrade, at Pasay police chief Senior Superintendent Joel Doria?

Sa Las Piñas na nasa ilalim din ng SPD ay nagkalat ang pasakla sa Plaza Quezon, Barangay Aldana, at St. Francisco na pinatatakbo ni Jake Duling na bata umano ni Senior Superintendent Adolfo Samala Jr., chief of police ng Las Piñas. At dahil malakas si Jake, siya ang sumasalo sa kasosyo niyang si Bernie.

Kung lalabas tayo ng Metro Manila ay sakla rin daw ang humahataw sa Olongapo na pinatatakbo ni Jun Guinto, na nasasakupan naman ng station commander na si Chief Inspector Julius Jimenez.

Ano ang sobrang importanteng pinagkakaabalahan ng magigiting na opisyal ng pulis na nakasasakop sa mga lugar na ito, para hindi nila mapuna ang pamamayagpag ng mga bawal na sugal sa ilalim ng kanilang mga ilong?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *