Thursday , December 26 2024

Bike lane sa major roads, bigyang prayoridad!

00 aksyon almarNAKALULUNGKOT ang balita nitong nakaraang linggo para sa grupo ng mga siklista o bikers makaraang madagdagan na naman ang talaan ng mga namatay na biker sanhi ng aksidente sa lansangan.

Ang biktimang si Fernando Garol ay namatay noon din makaraang maatrasan ng isang isang pampasaherong jeep habang nagtatrabaho o naghahatid ng mga sulat o dokumento, gamit ang bisikleta bilang isang messenger, sa Antipolo City.

Kinasuhan na ang driver ng PUJ na si Marcial Agbay ng reckless imprudence resulting in homicide. Mabuti naman kung nagkaganoon.

Lamang, sapat na ba ang hakbanging kasuhan si Agbay? Anyway, iyan talaga ang hakbangin, ang kasuhan ang taong sangkot.

Totoong walang may kagustuhan ang nangyari kay Garol. ‘Ika nga ay aksidente ang lahat pero sapat na dahilan ba ito para manahimik na ang iniwang pamilya ni Garol? Tandaan sana natin on-duty ang mama nang maaksidente at tanging bisikleta ang kanyang partner sa hanapbuhay.

Hindi lang si Garol, ang biker na biktima ng freak accident sa kalsada kundi marami na rin siklista na namatay sa katulad na insidente.

Sa talaan nga ng Metro Manila Development Authority (MMDA), umaabot na sa 1,127 ang namamatay na siklista at “biker” simula noong 2005 hanggang 2013. Hindi pa kasali rito ang 2014 hanggang ngayon.

Kaya kung talagang gusto ng gobyerno natin o ng mga mambabatas na maiwasan tumaas ang bilang ng namamatay na siklista – kasama na rito ang mga pumapasok sa trabaho gamit ang bisikleta para makatipid, makaiwas sa trapik at makarating nang maaga sa pupuntahan, may mga paraan para rito.

Tulad ng sigaw ng iba’t ibang grupo ng siklista, dapat nang aksiyonan ng gobyerno ang palalang problema na ito.

Oo, hindi na kailangan pang maghintay ng kilalang tao na namatay o naaksidente sa lansangan gamit ang bisikleta makaraang mabundol ng isang sasakyan.

Kalakaran kasi ng gobyerno o ng ilang mambabatas na kumilos kapag ang biktima ay kilala pero kapag isang pobre ang biktima, hayun ang pobre ang may sala o walang aksyon man lang ang pamahalaan.

Sigaw ng mga biker, maglagay ng mga bike lane sa mga lansangan – pangunahing lansa-ngan man o hindi, para sa seguridad ng mga mananakay ng bisikleta.

In fairness naman sa pamahalaan, lalo na sa lokal, may mga naglagay naman ng bike lane kaya lang,  kadalasan ay sa parke lamang o ilang bahagi lang ng kalsada… kumbaga hanggang sa nasasakupan lang nila o ilang metro ng kalsada lang at pagkalampas dito ay wala na.

Sana ang umaksiyon dito ay national government partikular ang Department of  Public  Works and Highways (DPWH) o may isang mambabatas ang magpanukala na ang lahat ng mga lansangan ay lagyan ng bike lane – national and local roads/streets.

Katunayan kahit sa mga highway sa pro-binsya marami na ring bikers na dumaraan. Sa ngayon, parami nang parami ang gumagamit ng bike, hindi lamang para sa pamamasyal o hobby kundi gamit na sa pagpasok sa trabaho.

Alam na naman ninyo siguro kung bakit lumolobo na ang bilang ng gumagamit ng bike. Mahal na rin ang pasahe o mahal na rin ang mga produktong petrolyo.

‘Ika nga kung nagawa ng maraming ibang bansa ang paglalagay ng bike lane sa mga pa-ngunahing lansangan, walang dahilan para hindi ito kayang gawin ng gobyerno natin.

Heto nga ‘e, kung nagawa ngang maglagay ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, ibig sabihin ay walang dahilan para hindi ito magawa sa mga pangunahing lansangan.

Nang lagyan ng motorcycle lane ang Commonwealth Avenue, malaki ang ibinaba ng aksidente rito na kinasasangkutan ng motorsiklo. Umaksiyon lang ang gobyerno sa problema sa Commonwealth Avenue noon, dahil sa pagkamatay ng isang  kilalang tao nang durugin ng isang pampasaherong bus ang kanilang sasak-yan. Kaya sana, huwag nang hintayin  ng gob-yerno na may kilalang tao na mamatay sa freak aksidente gamit ang bisikleta.

 ***

Para sa inyong komento, suhestiyon at rek-lamo, magtext lang sa 09194212599. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *