Saturday , November 23 2024

Ang halaga ng tunay na pangalan (Ikalawang Bahagi)

USAPING BAYAN LogoNALAMAN natin mula sa huli kong kolum noong Biyernes ang halaga ng pangalan sa ating mga buhay. Ito ang nagbibigay kakayahan sa ibang tao, kabilang na ang Estado, upang tayo ay makilala at maunawaan.

Dahil dito ay nakatitiyak tayo na ito ang batayan kung bakit isa sa requirements sa mga dokumentong legal tulad ng voter’s ID o pasaporte ay tunay nating pangalan. Gayon man, hindi kailangang ang tunay na pangalan ang ilagda sa puwang para sa pirma. Ang letrang “X” ay pinapayagan ng batas na ating maging pirma.

Hindi natin napapansin pero kapag ibinibigay natin ang ating tunay na pangalan ay pahiwatig ito ng pagtitiwala at kagandahang loob. Sa tuwing ibinibigay natin ang ating tunay na pangalan ay binibigyan natin ng kapangyarihan ang ibang tao na tayo ay tawagin o tawagan. Ito pa ang isang dahilan kaya mahalagang gamitin ang tunay na pangalan sa mga sensitibong negosasyon tulad ng usapang-pangkapayapaan. Bahagi ang pagbibigay ng tunay na pangalan sa tinatawag na “trust building.”

Sa pagbibigay natin ng tunay na pangalan ay binibigyan natin ang iba ng pagkakataon na tayo ay mapagsamantalahan pero ito ay pagkakataon din para tayo’y makabuo ng ugnayan na nakabatay sa tiwala at respeto.

Parehong may mabuti at masamang aspeto ang pagbibigay ng pangalan sa iba. Ito ang paniniwala ko na siyang dahilan kaya nasasabi kong mali ang isang sosyologo na nagsulat sa kanyang kolum na gawain lamang ng mga may “maliliit na pag-iisip” ang pagpupumilit na alamin ang tunay na pangalan ni Mohager Iqbal, ang punong negosyador pangkapayapaan ng Moro Islamic Liberation Front. Hindi ba malinaw at makatarungan lamang na dapat kilala natin kung sino ang ating kausap?

Hindi kayang magtiwala ni Iqbal at hindi rin niya kayang tumanggap ng tiwala kaya ayaw niyang ibigay ang kanyang tunay na pangalan. Kakatwang habang nakikipag-usap siya para sa “kapayapaan” ay pangalang pang-digma ang kanyang ginagamit. Paano natin pagkakatiwalaan ang ganitong tao kung ang salalayang katapatan ay wala sa kanya? Paano tayo makikipag-usap sa taong walang tiwala sa atin? Paano tayo makikipag-peace talk sa isang hindi natin kilala? Parang moro-moro lang ang ginagawa ni Iqbal at MILF sa kanilang pakikipag-usap sa atin.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *