ni Alex Brosas
SAMPUNG taon nang namamayagpag bilang number one sa kanyang timeslot ang Rated K ni Korina Sanchez.
Sa intimate presscon to celebrate Rated K’s success ay inihayag ni Korina ang five secrets to success ng kanyang show.
“Nagtataka ako (kung) bakit ang ‘Rated K’ number one pa rin. Sabi ko, hindi ko ito ma-attribute to anybody except for the fact na sinusuwerte ako kasi ang secret to success ay number one kailangan mahalin n’yo at pagsilbihan n‘yo ang mga magulang mo. Kapag hindi mo minahal at pinagsilbihan ang magulang mo ay mailap ang suwerte sa ‘yo,” Korina shared on an intimate presscon marking the 10th anniversary of Rated K.
“Number two, kailangan bilib sa sarili. Ginagawa kong example, ‘si Enrique Gil guwapo? Oo raw. Si Daniel Padilla ba guwapo? Nagsisigawan na ‘yon. Si Piolo (Pascual). Si Coco Martin oo raw. Eh, si Willie Revillame (guwapo ba)? Hindi sila kikibo. Sabi ko, pero sino sa kanila ang may 12 sports car, apat na mansion, dalawang yate at isang eroplano? Magsisigawan sila, si Willie. I rest my case, bilib sa sarili.”
“Number three, mangarap at magplano. Kailangan may pangarap pero kailangan pinaplano ang pangarap.”
Bilang pang-apat, “angat ang masipag kaysa matalino.
“Totoo naman, ‘di ba? Malaki ang suweldo ko sa valedictorian namin,” sabi niya ng pabiro.
Ang panglima naman ay “pray and believe. Magdasal at maniwala.
“That’s the secret. That’s the reason why ‘Rated K’ is number one,” she said.
When it comes to competition, say ni Korina, “I don’t look at competition. Ang target ko is my own. Ganoon ako. I hardly look left and right and I want my own space because I know I really work really fast. So I don’t want to be dictated by competition.”
Klinaro ni Korina ang chikang tsugi na siya sa TV Patrol.
“On leave lang ako. Saan ba nanggaling ‘yung kuwentong ‘yon? It’s really because of school. I’m taking my Master’s tapos mayroon akong London School of Economics, parehong online. Komo parehong online akala ko madali. Dyusko, sukdulan pala ng hirap. Ateneo pa lang nagkukumahog na ako so I lessened my load sa London pero mayroon pang on-campus two weeks ang Ateneo. Twice kong muntik nang ma-drop ang subject ko kasi I have a daily, ‘TV Patrol’,” she explained.
“Nag-uusap na rin talaga kami ng management last year pa kung tatakbo si Mar (Roxas, her husband). Sabi ko hindi ko alam kung tatakbo siya. ‘Kung tatakbo siya, magle-leave ka.’ ‘Siyempre (dahil) kailangan kong mangampanya. Eh, hindi pa naman nagde-decide si Mar. I’ll only find out in June. So I was thinking i-extend ko na ang leave ko until June. Eh, kasi kung babalik ako tapos hirap na naman ako sa school tapos magde-declare rin pala siya. Tuloy-tuloy ako, ‘pag hindi siya mag-declare balik ako (sa ‘TV Patrol’),” she added.