Thursday , June 4 2026
Ken Chan Atty Joseph Noel Estrada

Ken Chan bigong nahainan ng warrant of arrest

SUMUGOD ang members of the media sa bahay ni Ken Chan sa Quezon City para i-cover ang paghahain ng Warrant of Arrest para sa kasong Non-Bailable Syndicate Estafa.

Subalit walang inabutan ang mga awtoridad sa bahay ng aktor kanina. Walang tumanggap sa warrant nang ihain sa tahanan ni Ken sa isang subdibisyon sa Brgy Tandang Sora, Quezon City.  

Sinabi ni Atty. Joseph Noel Estrada, abogado ng  nagrereklamong biktima na ayaw magpakilala na pangalawang warrant of arrest na raw nila ito kay Ken ngunit hindi pa rin nagpapakita dahil nasa ibang bansa raw.

Nagmamay-ari ng maraming restoran si Ken at inimbitahan daw ng aktor na mag-invest ng P14-M ang biktima sa pangakong maibabalik.

Isa si Ken sa walong kinasuhan ng Syndicate Estafa kasama ang iba pang mga kasosyo sa nasabing restaurant business.

Mayroon pong investment scam na naging basehan niyong complaint at nakitaan ng piskalya na maiakyat sa korte, makasuhan ng syndicated estafa si Ken Chan kasama ‘yung co-accused,” anang abogado. 

Paglalahad ni Estrada, si Ken umano ang humingi sa kanyang kliyente ng P14-M para umano sa isang restaurant business at pinangakuan ng malaking buwanang interes na 10 percent na kita sa kanyang kliyente. 

Pero bigla umanong nawala si Ken at nagsara ang negosyo kaya’t nagkaroon ng kaso.  

Ayon pa kay Estrada, ito na ang ikalawang pagkakataon na naghain sila ng arrest warrant laban kay Chan. Una itong isinilbi noong Setyembre. 

Non-bailable ang kasong kinahaharap ni Chan at mga kapwa nito mga akusado.  

Idinagdag pa ni Atty Estrada na kapag nakabalik  na ng Pilipinas si Ken ay dadamputin agad para ihain ang warrant of arrest. (Allan Sancon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …