MARAMING LUMAHOK SA MGA TRABAHADOR DAHIL SA ITINATAYANG CASH PRIZE
Naghalakhakan ang mga sakada nakarinig sa pagbiro ng kapwa trabahador. Pero sa isip ni Rando, birong-totoo iyon. Isang paa na agad ang tila nasa hukay pag-entra sa loob ng ruweda ng isang manlalaro.
Pero gulat siya sa laki ng papremyo ni Don Brigildo sa nagwawaging kalahok. Noon kasi, tatlumpung libong piso lamang ang tinatanggap niya mula kay Mr. Rojavilla na may-ari ng stadium at nagkakasa ng mga laban doon. Sa bawa’t panalo niya sa pakikipagsagupa, kadalasan ay hindi kukulangin sa kalahating milyong piso ang naibubulsa sa bawa’t pakikipagpustahan sa mayayamang sugarol. ‘Di hamak na mas malaking halaga ang pabuya ni Don Bri-gildo sa nagkakampeon, maging sa talunan man.
Dinig niya sa mga usap-usapan sa plantasyon, “chicken feed” lang iyon kay Don Brigildo. Libangan lang daw ang panonood ng bakbakan sa ibabaw ng ring. Siyang-siya raw gawing laruan at katuwaan ang mga kalahok na handang makipagpatayan sa kapwa nang dahil sa pera.
“Sadista ‘atang amo natin…” piksi ng isang trabahador sa mga kasamahang sakada.
Gayondin ang pagtingin ni Rando kay Don Brigildo.
Kayraming nagpalista sa idaraos na paligsahan. Nagbigay iyon ng pribilehiyo sa mga trabahador ng plantasyon na makapagbakasyon upang makapag-ensayo. Sa loob lamang iyon ng dalawang buwang singkad. Pero sa karanasan niya, hindi sa-pat ang dalawang buwan lamang para makondisyon sa laban ang sasagupa sa ruweda. Kaso lang, may patakaran kasing sinusunod para roon: walang trabaho, walang sweldo. Kaya hindi maaaring magtagal ang mga tauhan ni Mang Emong sa pag-liban sa trabaho.
“Paano ang kani-kanilang pamilya?” naitanong ni Rando sa katiwala ni Don Bri-gildo.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia