Saturday , November 23 2024

Libelo

USAPING BAYAN LogoMATAPOS mabalitaan ng ating mga katoto ang nangyaring pang-haharas ng mga pulis-Maynila sa dating National Press Club President na si Ginoong Jerry Yap ay marami ang nagtanong sa atin kung ano ba ang libel.

Ang libelo ay isa sa mga krimen na pinaparusahan ng pagkakabilanggo at multa sa ating bansa. Ito ay nakasulat sa Ikalawang Aklat ng ating Revised Penal Code (RPC) mula Artikulo 353 hanggang 362 at pinagtibay bilang batas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong ika-8 ng Disyembre, 1930. Ang RPC ay hinalaw mula sa matandang Codigo Penal ng Espanya.

Ayon sa RPC ang libelo: “ay isang malis-yosong pagbibintang ng krimen o bisyo o kakulangan sa katauhan, totoo man o hindi, o kahit na anong kilos o hindi pagkilos, katangian o sirkumstansya na nauuwi sa kawalan ng pagtitiwala o kasiraang puri o pagkakalait ng isang likas o kinathang katauhan ng batas, o pagka-kayurak sa alaala ng isang yumao.”

May apat na elemento ang libelo. Kung wala ang isa sa mga ito ay hindi maituturing na nagkaroon ng libelo.

May pagbibintang ng nakakasirang kilos o katangian (allegation),

May pagkakalathala ng kasiraan (publication),

May malinaw na pagkakakilanlan sa biktima (identification),

Ang pagkakaroon ng malisya sa lathalain (malice).

Pero hindi pa nakontento ang mga nasa po-der. Tiniyak nila na mas magiging malawak ang saklaw ng libelo dahil na rin sa paglawak ng teknolohya sa komunikasyon.

Sa pamamagitan ng Chap 4 (c)(4) ng Republic Act 10175 (Anti-Cybercrime Prevention Act of 2012) na pinagtibay ng espesyal na Pa-ngulong Benigno Simeon Aquino III, dating Se-nate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte ay pinalawak ang saklaw ng libelo. Ayon sa susog na batas na ito, hindi lamang tradisyonal na limbag na lathalain tulad ng pahayagan, libro o pampleto o ibang katulad nito ang maaring pagbatayan ng libelo, pati mga artikulo sa internet ay pwede nang magamit sa libelo.

Kakaiba at sadyang mapanupil ang libelo. Ito lamang ang krimen na agad ipinapalagay na guilty ang isang akusado. Salungat ito sa pangkalahatang prinsipyo na “an accused is innocent until proven guilty” o ang isang akusado ay inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.

Ang Artikulo 354 ng RPC ang patunay na kontra pamamahayag ang batas na ito. Ito ang paboritong batas ng mga nasa poder at mga maykapangyarihan na ibig patahimikin ang kanilang mga kritiko, lalo na ‘yung mga bantay ng bayan tulad ng mga mamamahayag. Dahil sa Chap 4 (c)(4) sa R.A. 10175 ay mas matibay at malawak na ngayon ang mapanupil na batas.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *