Alok ni Binay kay Roxas maging VP
hataw tabloid
April 13, 2015
Opinion
INALOK ni Vice President Jojo Binay si DILG Sec. Mar Roxas para kanyang maging bise sa 2016 presidentual election.
Inisnab ito ni Roxas! Siyempre! Dahil tatakbo rin siyang presidente. Kahit pa mababa ang kanyang ratings sa mga survey.
Katuwiran ni Roxas, ayaw niya ng ka-tandem na tiwali!
Si Binay ay nahaharap sa kasong pandarambong sa Ombudsman. Na may kaugnayan sa overpriced na mga proyekto sa Makati City na nangyari noong siya ang alkalde hanggang sa kasalukuyan sa adminsitrasyon ng kanyang anak na si Junjun. Kabilang sa mga kontrobersiyal na proyektong ito ang Makati Parking Building, Makati Science High School, Ospital ng Makati at mga tagong yaman na kinabibilangan ng hacienda sa Batangas at mansion sa Tagaytay City.
Pero sa kabila ng mga akusasyong ito ng katiwalian kay VP Binay at sa kanyang pamilya ay siya pa rin naman ang nangunguna sa mga survey sa presidential race. Pero hindi tulad noong una, ang kanyang ratings ay bumagsak nang halos 70%.
Kaya lang kahit bumagsak nang todo ang ra-tings ni Binay, hindi naman umaangat si Roxas.
Oo, sa halip na umangat ay lalo pang na-ngulelat sa survey si Roxas. Mas mataas pa sa kanya sina Sen. Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, Miriam Defensor-Santiago at Ping Lacson.
Gayonman, parang kampante lang si Roxas maging ang kaalyado niyang Malakanyang. Parang positibo pa rin na sila ang magwawagi sa halalan sa 2016.
Teka, baka may “magic” na ilalabas ang kampo ni Roxas pagsapit ng halalan. Hello, Garci…
O, baka naman hindi na abutin ng eleksyon si Binay dahil sa mga kinakaharap ni-yang kaso. Puwede! Hehehe…
Abangan na lang natin, limang buwan na lang fi-ling na ng candidacy. Sa Oktubre 12 hanggang 16 na po ‘yan!!!
Sumbong ng maliliit na vendors sa Maynila:
Puro sila kotong sa taga-DPS!
– Gud am, Joey. Gusto ko lang ho malaman nyo o ni Mayor Erap Estrada na may nangyaya-ring kotongan sa hanay naming maliliit na vendors dito sa may Muelle st., Binondo, Manila. P70 sa isang araw ang kinokotong sa amin. Kapag hindi ho kami nagbigay, pahuhuli kami sa DPS ng City Hall ng Maynila. Kawawa naman po kaming mga vendor. Sana ho matlungan nyo kami. Pakiusap, wag nyo na po ilagay ang numero ko. – Binondo vendor
Perhuwisyo ang mga hawlang bakal sa vendors sa Divisoria
– Mr. Venancio, simula nang si Erap ang na-ging mayor dito sa Maynila, nababoy na itong puwesto namin sa Divisoria. Sana mapalitan na siya bilang mayor. At sana matanggal na itong mga hawalang bakal. Perwisyo dito sa aming mga puwesto. Salamat po. – 09995722…
Mawawala lang ang mga hawlang bakal diyan sa kalye ng Divisoria kung magkaroon ng bagong mayor sa 2016. Nasa mga kamay ninyong mga botante ang gusto ninyong pagbabago. Kayo ang maghahalal ng mga mamumuno sa lungsod. Kaya alam n’yo na ang gagawin ninyo sa darating na halalan. Iboto ninyo ang matitinong kandidato!
Attn: Mayor Strike Revilla ng Bacoor, Cavite
– Gandang umaga po, Sir Joey. Gusto ko lang po iparating sa aming butihing mayor na si Strike Revilla kung bakit hindi sila tumatanggap ng pas-yente sa OPD ng Bacoor District Hospital d’yan sa Brgy. Habay? Gigising ka ng 3am para makapagpatingin sa doktor tapos pagdating mo dun wala raw doktor na mag-aasikaso. Sana po maaksiyunan ito ni Mayor o kaya ni Kgg. Cong. Lani Revilla. Salamat po. – Bebot Villon ng Queensrow, Bacoor
Magaling naman ang mayor ninyo d’yan sa Bacoor, tiyak aaksiyonan ni Mayor Strike.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015