Thursday , November 14 2024

Sigalot sa pagtatayo ng Parañaque ‘footbridge’

00 firing line robert roqueMAY  problema  sa  mungkahing pagtatayo ng “footbridge” o “pedestrian overpass” sa Dr. A. Santos Avenue, San Antonio Valley 1, Parañaque City, na para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, mamimili, bisita at empleyado ng lungsod, at regular na tumatawid sa matrapikong kalsada sa araw-araw.

Ang naturang proyekto ng Sangguniang Panlungsod ng Parañaque ay makatutulong din nang malaki para mabawasan ang trapiko sa panulukan ng Valley 1 at Sucat, ang itinuturing na pinakamasikip na lugar kung saan matatagpuan ang city hall, LTO, mga palengke, pampublikong paaralan, pribadong ospital at nagsisilbing daanan tungo sa ibang mga barangay.

Dumaan ang proyekto sa tamang proseso at pagbubusisi bago maaprubahan kaya nailabas ang Special Allocation Release Order (SARO) nito, na naging daan sa bidding at tuluyang implementasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa proyekto.

Pero ang legal na proyektong ito na dumaan sa mga pangangailangan na hinihiling ng batas para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Parañaque, ay ipinatigil ni Engineer Arleen Beltran, officer-in-charge ng Office of the District Engineer, na nagrekomenda ring ibalik sa National Treasury ang pondo nito.

Ang batayan umano ni Beltran kaya ipinatigil ito ay pagtutol sa proyekto ng mga may-ari ng JAKA Investment Corporation sa pangunguna ni Katrina Ponce-Enrile at ng mga establisimiyentong umuupa rito, dahil makaaapekto raw sa view ng gusali at kanilang negosyo; at hiling ng JAKA na tigilan ang konstruksyon nito sa paligid ng puwesto nila.

Kinukuwestyon ng Sangguniang Panlungsod ang ginawang ito ni Beltran na batay lang sa liham na natanggap mula sa JAKA nang hindi man lang sila sinasabihan o kinukunsulta, hindi ipinapaalam sa mga opisyal ng DPWH na nakatataas sa kanya, at hindi rin idinaraan sa korte.

Ang mga halal na opisyal ng lungsod ay dumaan sa tamang proseso na hiling ng batas sa pagtatayo ng proyektong footbridge para sa kapakanan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan.

Pero sa isang iglap, tama kaya na mabalewala ang kanilang mga pagsisikap dahil may mga pribadong negosyante na tutol sa proyektong ito? Alin ang dapat manaig sa sitwasyong ito?

***

Nadagdagan na naman ang dinarayo ng mga parokyano ng kahalayan.

May bagong bukas na nightclub sa EDSA Pasay Complex, sa tapat ng Heritage Hotel sa kanto ng Roxas Boulevard, na diumano’y nagpapasayaw ng mga babaing hubad, may “gimmick” sa VIP rooms, at puwedeng i-takeout na parang pulutan ang mga babaing nagtatrabaho rito. Ito ay ang Liquorish Club na pagmamay-ari raw ng isang Australian na nagngangalang Darren.

Matatagpuan ding nagkalat sa buong siyudad ng Pasay ang mga makina ng video karera ni Jojo Cedeno. Bukod dito ay humahataw rin ang mga ilegal na makina ni Cedeno sa Parañaque na kinalolokohan at pinagpupuyatan pati na ng mga kabataan, na madalas ginagawa pang tambayan ng mga nagtutulak ng bawal na droga tulad ng shabu. 

Seryoso ang usapin sa mga operasyon ng video karera sa Parañaque pero dahil mistulang hindi naman interesado ang butihing alkalde na manindigan laban sa problema, puwedeng patulan na lang niya ang pang-aaliw ng mga “untouchable” na hari ng video karera sa lungsod.

Nakatatawa lang na walang ginagawa ang Parañaque police upang masawata ang pa-mamayagpag ng mga gambling lord na ito. Pero kung seseryosohin ni Mayor Edwin Olivarez ang problema, panahon na sigurong utusan ang hepe ng pulis na si Senior Superintendent Ariel Andrade na lipulin at wasakin ang mga makinang ito.

Kailangan aksyunan ito upang ’di mapag-isipan na ang mayor at ang kanyang mga pulis ay may regular na kinukubra sa bawal na negosyo ng video karera.

At sa Makati naman, dapat sigurong ipasara ni Senior Superintendent Ernesto Barlam, city police chief, ang mga puwesto ng bukis ng ka-rera at lotteng nina Toto Lacson, Enold at Baras.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *