Saturday , November 23 2024

Boyet Ynares inaantay na sa Kapitolyo ng Rizal

00 rex target logoSa dami ng accomplishments ni Binangonan, Rizal Mayor Boyet Ynares, masasabi  talagang hinog na hinog na ito upang maging gobernador ng lalawigan ng Rizal. Exemplary ang mga na-achieved ni   Mayor  Cecilio “Boyet” Ynares sa kanyang bayan.

Inuna talaga at tinutukang mabuti ng butihing alkalde ang aspeto sa peace and order ng Binangonan dahil batid nito na malaking factor ang katahimikan ng isang lugar o pamayanan para makaenganyo ng mga investors (foreign & local).

Sinunod nito ang pagbaka sa illegal drugs at illegal vices para mapagyaman at mapaunlad ang kalidad ng kabuhayan ng kanyang mga mamamayan.

Nais ni Mayor Boyet na ilayo sa tukso ng ano mang bisyo ang mga mamamayan ng Binangonan.

Para sa layong ito, pinasigla at sinuportahan ng alkalde ang iba’t ibang sports activities para sa kabataan na ang pangunahing layon ay mailayo ang kanilang atensiyon sa ipinagbabawal na gamot.

Nais nitong maging abala ang bawat mamamayan sa makabuluhang gawain at aktibidades.

Gaya na lamang nitong nagdaang buwan ng Marso kung saan ipinagdiwang ng Binangonan ang BINALAYAN FESTIVAL  (March 17-28) kung saan itinampok ang iba’t ibang festive activities na nilahukan ng mga residente ng Binangonan at mga panauhin mula sa iba’t ibang bayan at siyudad.

Napatunayan ni Mayor Boyet na naging epektibo itong lider sa mahigit 274,000 residente ng nasabing first-class municipality sa Rizal.

Naipagkaloob nito ang basic services sa bawat constituents ng kanyang mahal na bayan at nai-promote ang ipinagmamalaking dangal at cultural heritage ng Binangonan to the fullest.

Ngayon ngang nasa huling termino na si Mayor Boyet Ynares sa munisipyo, ang Kapitolyo naman ng lalawigan ang naghihintay sa kanya.

Nais ng maraming taga-Binangonan at ng iba pang taga-Rizal na maging ama ng probinsiya ni Mayor  Cecilio “Boyet” Ynares

Iba kasing uri ng pamumuno ang kanyang ipinamalas at ipinadama sa taumbayan.

Likas ang malasakit ng mabait ng alkalde sa kapakanan ng nakakarami niyang kababayan.

Maganda ang vision ni Mayor Boyet  hindi lamang para sa Binangonan kundi sa buong probinsiya ng Rizal na lubhang napakalapit sa Metro Manila kung saan naroroon ang seat of power.

Batid nito na kung matatapos at magagawang lahat ang mga infra projects na inilalaan para sa kanyang probinsiya tulad ng mga modernong highways at kalsada, mass transport system at sustained peace and order, lalo pang aasenso ang buong lalawigan ng Rizal na sadyang may mga likas na ganda at resources para dayuhin hindi lamang ng mga turista kundi ng mga bigtime investors.

Sa kalidad ng liderato ni Boyet Ynares, tunay lamang na pang-gobernador na ang kanyang mga kuwalipikasyon.

Isang magaling at may pusong ama ng mga taga-Rizal!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *