Monday , November 18 2024

Kasaysayan ng Easter Eggs sa Russia

Kinalap ni Tracy Cabrera

Group Faberge eggs.

A Fabergé egg (Russian: ßéöà Ôàáåðæåì; yaytsa faberzhe) ay isa sa limitadong bilang ng mga itlog na nilikha Peter Carl Fabergé para sa pagdiriwang ng Imperyong Russia sa pagitan ng 1885 atnd 1917.

Ang pinakatanyag sa mga ito ay yaong ginawa para kina Russian Tsar Alexander III at Nicholas II bilang mga Easter gift para sa kanilang mga asawaat ina, na kadalasan ay tinatawag na ‘Imperial’’ Fabergé eggs. Gumawa ang House of Fabergé ng humigit-kumulang sa 50 mga itlog, na tanging 43 lamang ang nag-survive. Dalawa sa mga ito ang plinanong para sa Easter 1918, subalit sadyang hindi nahatid ang mga ito dahil sa pagsiklab ng Russian Revolution.

Matapos ang rebolusyon, nilisan ng pamilyang Fabergé ang Russia. Simula noong ay naibenta na ng maraming beses ang Fabergé trademark at ilang mga kompanya ang nakapag-retail ng mga merchandise na may kaugnayan sa itlog na gamit ang pangalang Fabergé.

Nag-produce ang Victor Mayer jewelry company ng limitadong edisyon ng heirloom quality Fabergé eggs na awtorisado sa ilalim ng lisensya ng Unilever mula 1998 hanggang 2009. Ang trademark ay pag-aari ngayon ng Fabergé Limited, na siyang gumagawa ng mga alahas na ang tema ay itlog.

Ang kauna-unahang Fabergé egg ay ginawa para kay Tsar Alexander III, na nagdesisyong ibigay sa kanyang asawa—ang Emperadora Maria Fedorovna—ng isang Easter Egg noong 1885, posibleng bilang pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng kanilang pagsasama. Pinaniniwalaang ang naging inspirasyon ng Tsar ay isang itlog na pag-aari ng tiyahin ng Emperadora na si Prinsesa Vilhelmine Marie ng Denmark.

Kilala bilang ang Hen Egg, ginawa ang kauna-unahang Fabergé eggmula sa ginto. Nagbubukas ang opaque white enameled ‘shell’ nito para ipakita ang unang surpresa –ang matte yellow-gold yolk. Ito nama’y nagbubukas para sa multicolored gold henna nagbubukas din. Naglalaman ang inahing manok ng malinggit na brilyante na replica ng imperial crown na may maliit na ruby pendant.

Sobrang ligaya ni Emperadora Maria sa regalo ng kanyang asawa na nagbunsod kay Tsar Alexander na italaga si Fabergé bilang ‘goldsmith by special appointment ng Imperial Crown’ at binigyan pa ng komisyon para sa isa pang itlog sa susunod na taon. Kasundo nito’y nabigyan din si Peter Carl Fabergé ng kalayaan para magdisenyo ng iba pang mga imperial Easter egg.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *