Friday , November 15 2024

P1.6B nabisto ba sa bank accounts ng law firm ni Rep. Binay?

00 Abot Sipat ArielNAKAPAGDUDUDA kung bakit tutol ang Subido Pagente Certeza Mendoza and Binay (SPCMB) law offices na suriin ang kanilang mga libro, partikular ang kanilang bank accounts ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na tumututok sa laundered money o maruming pera na maaaring mula sa pandarambong sa kaban ng bayan o iba pang masamang paraan.

Nakabakasyon lamang ang anak ni Vice President Jejomar Binay na si Makati Rep. Abigail Binay mula sa SPCMB pero may nagbigay ng ulat sa AMLC na doon pinadadaloy ng batang Binay ang hinihinalang laundered money.

Sa text message nga na aking natanggap kamakailan, ganito ang nakasaad: “Sir ako po ang nagpa-check sa AMLA friends natin sa law firm associated with Cong. Abigail Binay. Record shows more than P1.6B traced sa mga bank accounts ng law firm na ito, suspected na laundered money. Isang kaibigan po ang binigyan ko ng copy at SINADYA NATING PABIGYAN NG INFO SI PNOY NOONG MARCH 18 6 PM. Ito Sir ang dahilan kaya hindi na puwedeng asahan ni PNoy na maging manok si Binay sa 2016.”

Hindi ako basta naniniwala sa mga text brigade pero ngayon ko naunawaan kung bakit nagmamadali ang SPCMB na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court (SC). Iginiit ng law firm labag sa batas at sa Konstitusyon ang hakbang ng AMLC. Para sa SPCMB, may karapatan ang kompanya sa “privacy” at hindi sila ginamitan ng due process dahil wala namang ano mang kasong isinampa ang AMLC na puwedeng maging sanhi para halukayin ng ahensiya ang kanilang mga rekord, lalo ang kanilang bank accounts.

Kung aanalisahing mabuti, waring may ‘itinatago’ ang SPCMB kaya galit na galit ang opisyales nito nang binulatlat ng AMLC ang mga rekord sa kanilang bank accounts. Kung muling pagaganahin ng mga Binay ang kanilang ‘agimat’ sa hudikatura, posibleng mabigyan sila ng TRO ng SC at mabalewala ang lahat ng rekord na nakuha ng AMLC kaugnay ng  P1.6B na hinihinalang laundered money.

Pero matatalino ang mga mahistrado ng SC kaya matitimbang nila kung wasto bang bigyan ng TRO ang SPCMB o matatasa nilang dapat mabatid ng AMLC at ng sambayanang Pilipino kung totoong maruming pera ang nasa bank accounts ng nasabing law firm.

Hindi naman dapat kabahan ang mga abogadong nasa bupete ng SPCMB kung wala silang laundered money sa kanilang bank accounts. Ang  tsismis nga, kayang-kaya namang kitain ni Rep. Binay ang P1.6B kahit napakabata pa niya para magkamal ng gayong kalaking halaga. Iba talaga ang prinsesa sa kaharian ng Makati. Lahat nagagawa ng kanilang pamilya. May nagbiro pa ngang magsasampa na siya ng panukalang batas para tawaging Binay City ang Makati. O ‘di ba?

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *