Thursday , December 26 2024

Smugglers sa Customs naka-lungga sa Escolta

00 rex target logoNAPAG-ALAMAN ng TARGET mula sa highly placed sources na diyan lamang pala sa Escolta, Maynila at ilang lugar sa Intramuros nakatarima ang ilang bigtime smugglers na umano’y ‘alaga’ ng ilan sa mga matataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Una sa listahan ay ang grupo ni MANNY SANTOS  at  GERRY TEVES.

May isang gusali umano riyan sa Escolta na pag-aari ng magkasosyong  MANNY at GERRY.

Madalas umanong makita sa naturang lugar si Manny Santos habang lulan ng kanyang puting Porche.

Naroroon din sa nasabing lugar si alyas DEO TABA, kilalang nagpaparating ng mga ‘beauty products’ gaya ng lotion at mga pabango.

Andiyan din sa balwarte ng mga dorobo sa Escolta at tenant ni Manny Santos sa kanyang building ang UKAY-UKAY King na si alyas BOSS EGAY.

Nagpaparating din ang bugok ng mga imported na sasakyan.

Diyan din ang kaharian ng reynang si  INENG CRUZ  alyas TISAY na kalapit lamang ng Tropical Hut na isa rin bigtime smuggler.

Sa Intramuros, Maynila naman malapit sa Cathedral Churce nagmamalatuba ang iba pang smugglers ng bureau kasama ang importers at brokers.

Nasa Knights of Colombus naman ang tanggapan ng bagong dummy company ni Mr. ‘TABABOY’ TAN  gamit ang bagong business name na LAWRENCE  Brokerage hango sa pangalan ng anak ng kupal na smuggler.

Kaya nagtataka tayo, sa kabila ng milyones na pondo ng Intel Group ng BOC ay tila barado ang mga ilong nila para maamoy ang mga pugad ng mga ilegalista.

Hindi nga ba maamoy Commissioner Sevilla   o ‘nakapatong’ nang lahat sa inyong tanggapan?

Hindi rin po makaliligtas sa ating pagbatikos ang mga tauhan nina Commissioner  Sunny Sevilla at Depcom  Ariel Nepomuceno  na regular na nakatarima rin sa nasabing mga lugar.

Mga bagmen daw po ng mga opisyal ng Customs na kumukubra ng ‘intelihensiya.’

Ilan pa lamang po ito sa napakahabang listahan ng mga ilegalistang gumagahasa sa dapat sana’y koleksiyon ng tanggapan ni Commissioner Sevilla.

Mahal kong Commissioner Sevilla, kontento na po ba kayo sa inyong performance diyan sa BOC?

Kontento na po ba kayong palagiang NABUBUKULAN at pinagtatawanan ng inyong mga corrupt na opisyal at tauhan?

Mahirap po kasing maging inutil at the same time TANGA habang nasa poder.

Baka naman daw nagtatanga-tangahan lamang ngunit nabibiyayaan at nakikinabang!

Hindi po kaya Commissoner  Sunny Sevilla sir?

City of Sta. Rosa ISO 9001: 2008 ready

Ipinahayag ni Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas  na maipagmamalaki niyang handa na at preparado ang kanilang lungsod na maging ISO 9001:2008 certified.

Ginawa ng lady mayor ang paniniyak at pagbabalitang ito sa launching ceremony na ginanap noong Marso 16 sa Grand Lobby ng City Hall B, City Government Center.

“Our efforts to continually improve our services to benefit our people and to keep up with demands of the times to be relevant are the primary motivating force in our resolve to become ISO 9001:2008 Certified,” pahayag ng butihing alkalde.

Binigyang-diin ni Mayor Arcillas,  sa pamamagitan ng ISO 9001, magagawa ng lungsod na maging consistent sa mga social basic services at output na naipagkakaloob na naka-base sa well-defined at documented procedures.

Magkakaloob ito nang mas higit na satisfaction sa hanay ng costumers at lalo pang magpapatatag sa kompiyansa ng mga investor sa Sta. Rosa City.

Hinikayat din ni Mayor Arcillas ang lahat ng stakeholders ng siyudad na patuloy siyang pagtiwalaan at suportahan gaya ng pagtitiwalang ipinagkaloob sa kanya mula nang manungkulang city mayor may walong taon na ang nakararaan.

Sinabi ni Arcillas na nais nitong hilingin ang tulong at kooperasyon ng lahat para makamit ng Sta. Rosa ang pinapangarap na tagumpay at pag-asenso. Vision din ng alkalde na maging world-class at modelo ang Sta. Rosa sa kalidad ng pamamalakad ng siyudad (city governance).

Samantala, pinapurihan naman ni Laguna Vice Gov. Katherine Agapay ang Sta. Rosa at si Mayor Arcillas sa inisyatibo nitong maging ISO 9001 certified.

Ayon kay Agapay, ang Sta. Rosa ang kauna-unahang local government unit sa buong lalawigan ng Laguna na mahihirang na ISO 9001 certifeid.

Binabati natin ang lahat ng mga taga-Sta. Rosa sa pagkakaroon nang matalino at masipag na mayora sa katauhan ni Mayora  Arlene.

Maganda na, bright girl pa!

Keep up the good work maam at mabuhay ka!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *