Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Minocutter matining kung rumemate

00 rektaMatagumpay at marami ang nasiyahan sa naganap na 8th “Manila Horsepower Organizational” Racing Festival nitong nagdaang weekend sa pista ng SLLP, kaya sa pagkakataong ito ay binabati ko ang lahat ng miyembro at opisyales ng samahan.

Sa pinakatampok na pakarera nila ay magaan na pinagwigan iyon ng kabayong si Low Profile, na nakapagtala pa ng umentadong tiyempo na 1:41.8 (25’-24’-25-27’) para sa distansiyang 1,600 meters.

Sa iba pang takbuhan ay tila nakatagpo rin ng magaan na laban sina Bualan na naorasan ng 1:32.6 (13’-25-25’-28’) sa 1,400 meters, Today’s Special na tumapos ng 1:30.6 (13-24’-26-27) sa 1,400 meters at Tabelle na gumawa ng 1:33.6(13’-25’-26’-28) sa 1,400 meters na laban.

Binabati ko rin si kapatid na Macky Maceda sa panalo ng kanyang kabayo na si Minocutter, na kapag binibuhan ng kanyang regular rider na si Renz Ubaldo sa may 3/8-mile post ay matining kung rumemate sa rektahan hanggang sa makarating sa meta. Animo’y naka-Masumax at kumbaga sa sasakyan ay naka-IC Green ang kanyang makina. More winnings to come Bro. Macky.

 

ni Fred L. Magno

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …