Saturday , May 18 2024

Monthly Archives: February 2015

Napeñas isasakripisyo ng Palasyo

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa akusasyon ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BA-YAN) na isasakripisyo ng gobyerno si Chief Supt. Getulio Napeñas para hindi mapanagot si Pangulong Benigno Aquino III sa Fallen 44. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang layunin ng Senate probe sa Mamasapano incident ay upang malaman ang buong katotohanan kaya’t dapat na hintayin na …

Read More »

Giyera sisiklab — Palasyo (BBL ‘pag ‘di naipasa)

NAGBABALA ang Palasyo na sisiklab muli ang giyera at hindi uunlad ang Mindanao kapag hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kasunod nang pagsuspinde ng Kongreso sa mga pagdinig kaugnay sa BBL makaraan ang madugong enkwentro ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) …

Read More »

Glass wall ng Resorts World Casino Delikado

KAMAKALAWA, tatlo katao ang nasaktan at nasugatan nang mabagsakan ng glass wall habang naglalaro sa silat ‘este slot machine ng Resorts World Casino sa Pasay City. Tatlong babae, dalawa sa kanila ay senior citizen ang nasaktan at nasugatan. Agad nang silang naitakbo sa ospital (suwerte pa po iyon), mabuti naman at hindi malubha ang kanilang kalagayan. Pero ang nakatatakot diyan,  paano …

Read More »

Bravo… Sen. Alan Peter Cayetano!!!

SA ikalawang araw kahapon ng Senate investigation sa Mamasapano, Maguindanao “massacre”  na 44 PNP-SAF ang nasawi at 15 ang sugatan, lumilinaw na sa atin kung sino-sino ang mga may depekto sa madugong operasyon para kunin ang teroristang sina Marwan at Abdul Basit Usman sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)  at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). (Ang BIFF ay …

Read More »

Ochoa, Resign!

KADUDA-DUDA ang pagkawala ng pangalan ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa, Jr., bilang hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isyu ng FALLEN 44. Dalawang insidente na ng ‘masaker’ lumutang ang PAOCC ni Ochoa, una sa Atimonan masaker noong 2013 at ang FALLEN 44 nitong Enero 25. Sa kaso ng Atimonan masaker, kinasuhan at ikinulong ang namuno sa operasyon …

Read More »

Manila Dialysis Center bubusisiin (Maling sistema nagresulta sa iregularidad)

IBINUNYAG ng isang mapagkakatiwalaang source,  nakatakdang imbestigahan ng Commission on Audit (COA) at ilang ahensya ng pamahalaan ang  Manila Dialysis Center dahil sa mga reklamo ng umano’y talamak na iregularidad sa ilalim ng pamamalakad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrda at mga kaibigan nito. Batay sa ating source nagrereklamo ang mga pasyente dahil sinisingil umano ng isang alyas Holy Manny …

Read More »

Mala-‘Harem’ na opisina sa Bureau of Immigration Main Office

07NALULUNGKOT tayo sa nangyayari ngayon sa Bureau of Immigration (BI) na parang dumarami ang mga kontrobersiyal na isyung pinag-uusapan tungkol sa tanggapan ng isa sa mataas na opisyal diyan. Marami na umanong BI employees ang nakapapansin doon sa isang tanggapan ng isang mataas na opisyal na pawang piling-piling babaeng empleyada ang inia-assign. Kumbaga, pang-beauty queen ang gusto ni Immigration official …

Read More »

Lider ng magsasaka binistay ng bala

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 64-anyos lider magsasaka makaraan bistayin ng bala nang malapitan ng dalawa sa apat armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay nitong Linggo sa Brgy. San Jose, bayan ng San Simon ng lalawigang ito. Base sa ulat ni Chief Inspector Michael Riego, hepe ng …

Read More »

Alias Ramil smuggler na, tax evader pa!

Isang Tsinoy ang umano’y patuloy sa paghataw at paggawa ng mga iligal na gawain.May punong-tanggapan ito diyan San Miguel, Maynila. Pag-aari nito ang isang bogus na kumpanya na distributors ng mga high-end gadgets gaya ng laptop, tablets at cellphones mula sa bansang China. Technical smuggling ang main opisyo ng Tsekawang ito na sangkaterba ang mga police bodyguards. Bukod sa pagpaparating …

Read More »

Liberian nat’l nalambat sa buy-bust

HINDI nakaporma ang isang Liberian national nang masakote ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang suspek na si Izo Noble, 35, nakatira sa Camp Johnson Rd., Monrovia, Liberia, at kasalukuyang naninirahan sa Don Rosario Street, Angeles City, ng naturang probinsya. Ayon …

Read More »

Villar nanguna sa paglagda sa Convention on Wetlands of International Importance

PINANGUNAHAN ni Senadora Cynthia Villar ang   anibersaryo ng paglagda sa “Convention on Wetlands of International Importance” sa pamamagitan ng paglilinis sa Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA). Ayon kay Villar, ang pagdiriwang ay isang pagkakataon upang makatawag ng atensiyon kaugnay ng lumalalang kondisyon ng LPPCHEA dahil sa hindi maayos na waste management kaakibat ng planong reklamasyon sa Manila Bay. …

Read More »

Kinse anyos 7 beses sinaksak ng rapist (Pumalag sa rape)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 15-anyos dalagita makaraan pitong beses saksakin nang pumalag sa tangkang panggagahasa ng isang 27-anyos lalaki habang natutulog kamakalawa ng madaling-araw sa San Mateo, Rizal. Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng San Mateo Police, ang nadakip na suspek na si Airmel Sultan, delivery boy,  nakatira sa Purok 4, Buntong Palay, habang ang biktima …

Read More »

Walang badyet walang projects (Lacson, naglingkod sa PARR para sa kapakanan ng sambayanan)

LUNGSOD NG MALOLOS—Pormal nang tinapos kahapon ni dating senador Panfilo Lacson ang kanyang isang taong pag-upo bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) na naglingkod siya para sa kapakanan ng sambayanan. Sa kanyang pahayag, idiniin ni Lacson na sa harap ng mga banta ay dapat magkaisa ang mga mamamayan at tunay na umaksiyon. “Ang terorismo ng mga jihadist at …

Read More »

2 police official todas sa granada (Hinagisan ng tauhan)  

BINAWIAN ng buhay ang hepe ng Cabanglasan Municipal Police Station at ang kanyang deputy makaraan hagisan ng granada ng isang tauhan na nagpositibo sa droga sa Brgy. Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon, dakong 7:20 p.m. nitong Lunes. Nabatid na bago ang insidente, nagsagawa ng drug test ang pulisya at nagpositibo ang dalawa sa mga pulis na agad dinis-armahan. Ayon kay Cabanglasan Mayor …

Read More »

Bunso tinaga ni kuya

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang 47-anyos lalaki makaraan tagain ng kanyang nakatatandang kapatid dahil sa matagal nang alitan kaugnay sa renta ng inuupahan nilang boarding house, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ang biktimang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital na si Michael Decena, ng 1738 Tramo St., Zone 6, Brgy. 43, Pasay City. Habang sugatan din …

Read More »

Singil ng Meralco tataas ng P0.84 kWh

MAKARAAN ang bigtime oil price hike, ang singil naman sa koryente ang tataas. Inianunsiyo na ng Meralco ang P0.84 kada kilowatthour (kWh) na taas-singil sa generation at iba pang charges. Katumbas ito ng P167 na dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P251 sa 300 kWh users, P335 sa 400 kWh users, at P419 sa 500 …

Read More »

Ang Tigre sa Year of the Sheep  

ni Tracy Cabrera (2/14/2010, 1/28/1998, 2/09/1986, 1/23/1974, 2/05/1962, 2/17/1950, 1/31/1938, 2/13/1926, 1/26/19124) SA 2015, magiging sobrang matagumpay ang mga Tigre na para bang kamag-anak sila ng diyosa ng pag-ibig na si Venus mismo at Pangulo ng bansa. Masasabing walang magiging kabiguan, problema at pagtanggis sa alin mang larangan. Pero pangkaraniwang kaalaman na ang halaga ng isang bagay ay kabaligtaran ang …

Read More »

Amazing: 14-pound baby isinilang ng Florida mom

TAMPA, Fla. (AP) — Inihayag ni Maxxzandra Ford na inasahan niyang magsisilang siya ng malaking sanggol, ngunit hindi niya inakala na ito ay aabot ng 14.1 pounds ang timbang. Ito ay ‘double surprise’ sa Florida mom na hindi alam na siya ay buntis hanggang sa kanyang third trimester. Sinabi ni Ford sa TV station WFLA, “her feet never swelled, never …

Read More »

Feng Shui: 2015 Future wealth – Southwest

Ang Southwest bagua area ay may fortunate purple 9 star sa 2015, na Fire feng shui element annual star. Madali lamang ito dahil ang Fire feng shui element ay palaging welcome sa Southwest area (Fire nourishes Earth sa productivity cycle ng five feng shui elements). Sikaping iwasan ang very strong presense ng Earth feng shui element dito dahil sasairin ng …

Read More »

Ang Zodiac Mo (Feb. 10, 2015)

Aries (March 21 – April 19) Pinipigilan ka ng iyong paboritong mga bagay – i-reevaluate ang iyong mga libangan. Taurus (April 20 – May 20) Ngayon araw, makikita mo ang mga bagay na hihikayat sa iyong tumanggap ng higit pang mga responsiblidad. Gemini (May 21 – June 20) Hindi mo magagawang asahan ang iyong mga kaibigan o kasama ngayon, at …

Read More »

Panaginip mo, Interpret ko: Nadurog ang ngipin

Gandang hapon s u Señor, Nanaginip po ako na nadurog ang ngipin ko. Joey ng Tanay Rizal paki txt na lang po d2 ang kasagutan. (09084095413) To Joey, Pasensiya ka na pero lagi kong sinasabi na sa Hataw nyo lang  mababasa ang interpretasyon sa mga tine-text ninyong panaginip. Sa rami nang nagte-text sa akin at sa haba ng sagot ko, …

Read More »

It’s Joke Time: Bayag-ra

Tasyo: Doc, big-yan ninyo nga ako ng Viagra. Doctor: Matanda na po kayo lolo baka hndi makaya ng puso ninyo. Tasyo: Putulin ko isang tableta nang apat na beses. Doctor: Bakit po, ‘di ba gagamitin n’yo kay lola? Wala rin epekto kapag hndi ninyo iinumin nang buo ang tableta. Tasyo: Doc, matanda na kami ng lola mo, wala na sa …

Read More »

Alyas Tom Cat (Part 11)

NAIPAGPAG NIYA SINA GENERAL PERO HINDI ANG PAG-AALALA SA NAPASLANG NA BUDDY Pag-ibis niya roon ay walang puknat siyang nagtatakbo. Kinakailangan niyang mailigaw ang dalawang grupo na gustong pumatay sa kanya. Nagkanlong siya sa Balintawak Market. Makapal ang tao roon. Labas-masok doon ang mga namimili ng gulay, prutas at ng iba’t ibang paninda. Alis at dating sa palengkeng iyon ang …

Read More »

Meralco itutuloy ang winning streak

ni SABRINA PASCUA HANGAD ng Meralco na palawigin pang lalo ang winning streak nito sa paghaharap nila ng Rain Or Shine sa PBA Commissioner’s Cup mamayang 4:15 pm sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City. Ikalawang sunod na panalo naman ang nais na maitala ng Alaska Milk kontra sa sumasadsad na Globalport sa 7 pm main game. Ang Bolts, na …

Read More »