Saturday , November 23 2024

Pardon nangibabaw kaysa Konstitusyon at ibang mga batas

00 Kalampag percyANG pagtakbo raw ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada bilang alkalde sa Maynila noong 2013 ang sakop ng desisyon ng disqualification case noong nakaraang linggo, ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te.

Ibang usapan daw ito, sabi ni Te, dahil hindi naman kasama sa ibinabang desisyon ng Supreme Court na maari pang makatakbo si Erap sa 2016 bilang pangulo.

Ito’y bunsod ng panibagong petisyon na ihahain daw ni election lawyer Romulo Makalintal sa Korte Suprema na kukuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Erap na muling makatakbo bilang pangulo, base sa no “reelection rule” na nasasaad sa Saligang Batas – “The President shall not be eligible for any reelection.” 

Bakit ba kasi ginawa pang installment o hurnalan ng Supreme Court ang kanilang desisyon at hindi pa isinamang resolbahin ng mga mahistrado pati ang pagtakbong pangulo ni Erap para tapos na ang kuwento?

Nakapaloob naman ang isyu bilang depensa ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na pinayagan niyang tumakbo si Erap sa Maynila base sa desisyon ng Korte Suprema noong 2010.     

Bakit hindi ginamit na basehan sa pagdedesisyon ang maling depensa at paratang ni Brillantes na mismong Korte Suprema raw ang nagpahintulot kay Erap na muling makatakbo noong 2010.   

Una na itong kinuwestiyon noong 2010 na nadeklarang “moot and academic” o nagbalewala sa petisyon dahil tapos na ang eleksiyon nang magpasiya ang Supreme Court.

Sa kanyang isinulat na desisyon, sinabi ni dating chief justice Renato Corona na wala na silang ididiskuwalipika dahil natalo na si Erap.

Wala na sanang gulo kung nagbase ang Korte Suprema sa mga batas, imbes sa dispositive portion lang ng iginawad na pardon ni GMA kay Erap noong 2007.

Lumalabas ngayon na mas mataas at mas mahalagang batayan ang pardon kompara sa Konstitusyon at mga batas.

Hindi ba dapat kuwestiyonin din ni Makalintal sa “no reelection rule” pati ang pagtakbo ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo bilang congresswoman ng Pampanga?

 

History repeats itself

AYON sa AMLC, nag-withdraw ng P76 milyon si Jinggoy habang ikinakasa ng Department of Justice (DOJ) ang kasong plunder laban sa kanya.

Napansin din ng AMLC ang abnormal na pagtaas ng investments niya at maging ang kanyang dollar time deposits at life insurance policies na umabot sa mahigit $3 milyon ay hindi nakasaad sa kanyang SALN.

Sa 31 bank accounts ni Jinggoy na ineksamin ng AMLC, siyam pa lang dito ay nagkakahalaga na ng P629 million.

Ilang artikulo ang inilathala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) noong 2000 na nagdetalye sa mga kuwestiyonableng yaman ni Erap at kanyang mga pamilya habang siya ang pangulo ng bansa.

Taong 2000 ay nalathala rin sa Financial Times of London ang Pilipinas bilang isa sa ‘top ten money laundering countries’ sa buong mundo.

Sa susunod ay magbabalik-tanaw tayo sa mga natuklasan na kaduda-dudang yaman ni Erap habang siya ang pangulo ng bansa na tila kinopya ng kanyang anak kaya nakakulong sa kasong pandarambong.

Holdapan sa Maynila talamak, grabe na!

ISANG tabloid photographer ang hinoldap nitong nakaraang linggo sa harap ng National Library sa T.M. Kalaw, Ermita, Maynila.

Pinalo sa ulo si Jess Diaz ng Pilipino Mirror, at tinangay ang kanyang mountain bike, camera, pitaka at cellphone.

Noong Disyembre 2014, matatandaang hinoldap at binaril naman ang staff ni Sen. JV Ejercito sa Quirino Ave., Malate.

Ano ang tawag diyan kung pati empleyado ng Senador ay nahoholdap sa lugar na tatay pa mandin niya ang nakaupong alkalde?   

Santisima!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *