Friday , November 15 2024

Daming landslides sa Marinduque

00 pulis joeyULAT ni Marinduque Governor Carmencita Reyes, maraming landslides na nangyari sa kanyang lalawigan nang daanan ng bagyong Ruby nitong Lunes.

Paano namang hindi mamuro sa landslides ‘yung Marinduque e grabe ang quarry d’yan! Tapos kalbo na rin ang kabundukan dahil sa illegal logging at kaingin.

Anim na munisipalidad lang ang lalawigang ito na mayroong 218 barangays, ibig sabihin, madaling kontrolin ng gobernador kung talagang ipatutupad ang pagbabawal na sa quarry, logging at pagkakaingin na nagiging dahilan ng malawakang pagbaha at landslides tuwing bubuhos ang malakas ang ulan o panahon ng mga bagyo.

‘Yang quarry, sa mayor lang ang kontrol n’yan. Kung hindi bibigyan ng permit ng mayor ang sinumang nagpapasabog sa bundok, walang magaganap na pagsira o pagpatag sa bundok.

‘Yang kaingin, nasa barangay officials partikular sa tserman lang din ang kontrol. ‘Pag pinagbawalan ng tserman ang sinumang nagkakaingin, walang mangyayaring pagkalbo sa kabukiran.

Alam mo ba ‘yan, Gobernadora Carmencita Reyes, madam?

Ngayong namuro kayo sa landslides d’yan sa Marinduque, walang ibang dapat sisihin d’yan kundi ang iyong administrasyon. Mismo!

Papuri kay Romblon Governor Dr. Ed Firmalo

SINASALUDUHAN ko si Romblon Governor Dr. Eduardo Firmalo sa kanyang walang tulugang pag-iikot at personal na pag-monitor sa pag-deliver ng relief goods sa kasagsagan ng bagyong “Ruby” nitong Linggo at Lunes.

Actually, Sabado palang ay nag-iikot na si Gov. Firmalo sa mga munisipyo ng Tablas para pakiusapan ang mga nakatira sa coastal areas na lumikas muna at tumuloy sa evacuation centers.

Hindi lang nakaikot si Gov. Firmalo sa mga isla ng Romblon at Sibuyan dahil masyadong malalaki ang mga alon at ipinagbawal ng Coast Guard ang paglalayag lalo na sa maliliit na bangka. Pero may mga tao siya sa naturang mga isla na nagpatupad ng evacuations at pamamahagi ng relief goods.

Kaya naman zero casualty sa tatlong isla ng Romblon (Tablas, Sibuyan at Romblon proper) na Signal No. 3 kay Ruby.

Mabuhay ka, Gov. Firmalo!!! Mabuhay ang Romblomanon. I love you, kabayan!

Bumili ng balut binagansya, hiningan ng P2K ng taga-MPD-PS2 (Delpan PCP)

NAPAKAWALANGHIYA naman nitong ilang pulis ng Manila Police District (MPD) Stn. 2, Delpan PCP.

Mantakin mo, ‘yung isang mama, nangangalang “Bulay”   ng Moriones, Tondo, na bumili lang ng balut sa kanto ng Sto Niño St. – Moriones ay dinampot ng ilang pulis ng Delpan PCP.

Ang kaso raw ni Bulay ay bagansya. Kasi nga walang damit nang bumili ng balut sa naturang kalye, bandang 10:00 ng gabi. Binibit siya ng mga pulis sa Delpan PCP, ilalim ng Delpan flyover. Kinuha ang kanyang dalang pera na P300. Tapos no’ng umaga na ay hiningan ng P2,000 para makalaya. Walang kasong isinampa kay Bulay. Hindi naman kasi kaso ang bagansiya. Walang multa at wala rin kulong.

Ang bagansiya ay dinadala lang ng pulis sa presinto for verification kung may records at tatawagan ang barangay officials for identification tapos pauuwiin na. Kung lasing, iniho-hold ito sa presinto pero hindi ikinukulong at kapag nahimasmasan na saka palang pauuwiin.

Pero ang ginawa ng ilang tarantadong pulis ng Delpan PCP ay maliwanag na mayroong illegal detention (posible no bail ang kasong ito) na nangyari at pangingikil.

Kaya ang advise natin kay Bulay, sampahan ng kasong illegal detention at robbery extortion ang mga dumampot at kumuha ng kanyang pera.

MPD-PS 2 Commander Supt. Jackson Tuliao, pare ko, paki-seminar ang mga pulis mo sa Delpan PCP at baka hindi pa nila batid ang kahulugan ng bagansya.

Kalye ng Ylaya (Divisoria) isinara para sa vendors

– Mr. Venancio, report ko kung bakit pinasara itong kalsada ng Ylaya, Divisoria dahil sa mga vendor. Sa pagkakaalam namin ay P40 kada vendor. Nasa 100 ang vendors dito, maliwanag na P4K araw-araw ang kita ng nagpapapuwesto rito na isang barangay official.

Ang tserman na nakakasakop dito si Saida. Paano naman kaming residente dito? Ang aming mga sasakyan ‘di namin malaman kung saan ipaparada. Sana pasyalan ni Mayor Erap ang kahabaan ng Ylaya, sarado na po sa vendors! Salamat po. – 0932849…

Talagang ang daming raket d’yan sa Divisoria. Public place pinagkakikitaan ng kung sino-sinong mga siga. Dapat sa  City Hall lahat ang pasok ng mga upa d’yan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *