NAPAKAGANDA ng imahe ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa magandang pamumuno ni Director Virgilio Mendez at kanyang Deputy Directors.
Hindi magdadalawang isip na lapitan ang isang ahensiya ng gobyerbo kagaya nito dahil unang-una ang mga nakaupo diyan ay tunay na serbisyo publiko ang ipinapatupad.
Nagkakaisa silang lahat sa pagsugpo at paglutas ng krimen kaya lalong dumarami ang humahanga ngayon sa NBI.
Isang dahilan sa tagumpay ng NBI ngayon ay ang kanilang magigiting na Deputy Directors.
Kagaya ni Deputy Director Atty. Edward Villarta ng Regional Operation Services. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Far Eastern University noong 1977 at nakapasa sa bar exam na ibinigay noong noong 1978. Siya ay nagserbisyo bilang Regional Director ng mahigit 12 taon at siya ay 34 years nang nagtatrabaho sa gobyerno . Bilang isang Regional Director iginawad sa kanya ang Outstanding Case Award for the investigation of the death of Trinidad Arteche-Etong, asawa ni broadcaster Ted Failon. Noong 2012, binigay sa kanya ang Honorable and Outstanding Patriotic Exemplary Award for Personnel-Regional dahil sa pagresolba niya ng mga high-profile cases gaya ng arrest of Asha Atieno, sa pagkadakip sa Kenyan national na may dalang 3 kilos na shabu; sa pagkakaaresto kay Bella Ruby Erediano sa kasong kidnapping at homicide at sa aktibong pakikilahok sa imbestigasyon ng Maguindanao Massacre.
Si Deputy Director Atty. Jose Doloiras ng Forensic Investigation Services naman ay isang abogado at Certified Public Accountant at CESO VI. Nagsimula ang kanyang karera sa pamahalaan bilang isang Account Analyst sa Department of Budget and Management (DBM). Siya ay pumasok sa NBI noong 1988 bilang isang Investigation Agent I. Dahil maganda ang takbo ng career niya sa NBI, siya ay ini-appoint bilang Director I ng NBI noong 2008, hawak niya ang Assistant Regional Director ng NBI -Cebu Regional Office. Noong 1992 , siya ay binigyan ng isang Presidential commendation sa pamamagitan ng dating Presidente Fidel V. Ramos para sa pagresolba sa pagpatay kay Mayor Octavio Velasco , Ternate, Cavite at sa iba pang mga kaso na kanyang pinangasiwaan ay ang pag-aresto kay Pulis Mayor Roman Lacap noong 1997, pagbibigay solusyon sa pagpatay sa mga dating NBI Agent Carlomagno Uminga noong 2006 at pag-aresto ng Jachob “Coco” Rasuman sa Marawi City noong 2012.
Si Atty. Antonio Pagatpat naman ay natapos sa pagka abogasya sa Divine World University noong 1988. Sinimulan niya ang kanyang career sa ating pamahalaan bilang Sangguniang Bayan ng Local government Unit sa Salcedo Eastern Samar. At pagkatapos noon, siya ay naging isang Legal Officer II sa Kagawaran ng Agrikultura (DAR). Sumanib siya sa NBI bilang Investigation Agent I noong1990. Bago siya naupo bilang Deputy Director ng NBI siya noon ay Regional Director ng NBI -Cebu Regional Office. Siya ay nagsilbi rin bilang Regional Director ng Region 5 at 8. Siya ang nangasiwa sa mga kaso tulad ng pagsisiyasat ng multi- milyong scam ng Sta . Rita Resettlement Project at sa pakakaligtas sa labing tatlong (13) babae na biktima ng trafficking.
Kaya naman bago sila umupo bilang mga Deputy Directors sa NBI ay napag-usapan na nilang i-revitalize ang NBI. Simula pa lang ng administrasyong Aquino para sa top priority na masiguro ang integrity at competency sa nation’s premier investigative agency na walang kupas sa pag-iimbestiga. Talagang malaki ang tiwala ng ating Pangulo sa deputy directors dahil naniniwala siya na mas lalo pa nilang mapagaganda ang imahe ng NBI.
Sila ay may patunay sa dedikasyon sa serbisyo publiko at may malinis na hangarin para sa bayan.
Mabuhay kayo mga sir.
BoC Isang-Bisig Sportsfest, tagumpay!
Congratulations pala sa BOC-Enforcement Group na pinagunahan ni Depcom. Ariel Nepomuceno at BOC-Intelligence Group na pinangungunahan naman ni Depcom Jessie Dellosa dahil naging matagumpay angIsang-Bisig Spotsfest event sa Bureau pf Customs.
Ipinakita ng mga participants mula sa ESS, CIIS at AMO ang masayang pagsalubong sa kanilang sportsfest at ang pinalad na nananlo sa Muse, ang AMO na pinangungunahan na Atty. Jemina Flores.
Ang layunin ng palarong ito ay upang maging mas malapit sa isa’t isa at magkakila-kilala ang mga empleyado ng Customs para na rin sa pagkakaisa at pagtutulungan sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa tuwid na daan.
Kaya naman Congrats mga sir. Keep up the good work!