Friday , November 15 2024

Mapalad ang mga trapo dahil lagi tayong binabagyo

MAHIRAP talaga ipaliwanag ang asal, kilos at ugali ng mga Pinoy.

Matinding magalit, gumugulapay kapag nalulugmok, umiiyak, humahagulhol, nagmumura kapag nasasaktan … pero bumabangon … at kapag nakabangon madali nang nakalilimot.

Maaga nilang nalilimot na pinabayaan sila ng mga opisyal ng gobyerno. Minsan tuloy, nasasabi natin na mapalad ang mga traditional politician (TRAPO) dahil nagagamit nilang dahilan ang pananalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad bilang excuse sa kanilang kapabayaan.

Pero kahit paano ay natututo at nagwawasto ang ilan sa kanila.

Ngayong nagbabanta ang pananalasa ni Ruby (Hagupit) natutuwa tayo sa ipinakikitang rektipikasyon ng gobyerno lalo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Maaga pa ay nagbuo na ng command centers ang mga lalawigan o siyudad na sinabing tatamaan ng bagyo.

Madaling nakinig ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar nang sila pinalikas ng mga opisyal ng gobyerno.

Bawat pamilya at indibidwal ay nagpakita ng kahandaan kung paano poprotektahan ang kanilang sarili at mga ari-arian. May nakita pa nga tayo na mga sasakyang binalot ng plastic at packaging tape.

Ilan ang nagsikap na makapagtabi ng tubig at pagkain sa abot ng kanilang makakaya.

Sa Tacloban, maagang nag-repack ng mga relief goods para ihatid sa mga kababayan na maagang nagsilikas at nagsitungo sa evacuation area.

Ang sabi, anim na beses magla-landfall ang bagyong Ruby na ang siguradong mapupuruhan ay Samar, Bicol at Mindoro Oriental. Pero dahil sa maagang babala, agad rin naghanda ang mga residente sa mga nasabing lugar.

Alam nating marami pang matitigas ang ulo na susuway sa paalala ng mga awtoridad, pero natitiyak natin sa ginagawa ngayon ng buong bansa at sa tulong ng mataimtim na panalangin sa Dakilang Lumikha maiiwasan natin ang malaking bilang ng casualties at kalunos-lunos na kahihinatnan ng ating mga kababayan na tatamaan ng bagyong Ruby.

God save the Philippines.

APD SENIOR OFFICER HARASSING NAIA T3 TRANSPORT PEOPLE

MAY ilang miyembro ng Transport Concessionaires ang dumulog sa inyong lingkod na may isang Senior Airport Police Officer sa NAIA Terminal 3 na sinasabi nilang nangha-harass daw sa kanila para makapag-extort.

Alam niyo po mga dear readers, sa tuwing makakatanggap tayo ng mga ganitong sumbong ay nalulungkot tayo habang sinusulat ang detalye.

Ngunit kung ‘di naman natin gagampanan ang ating tungkulin para makapaglingkod sa mga kababayan nating maliliit na inaapi at ginagawang ‘gatasan’ ng mga taong humihiram lamang ng kapangyarihan sa kanilang uniporme ay sino pa ba ang kanilang tatakbuhan?

Ang masasabi ko na lamang sa Airport Police officer na ‘to if this complaint is true ay itigil na ang kaniyang panghihingi sa mga tiga-transport na nagsasakripisyo at nagpapakahirap para mabuhay ng disente at makakain sa tamang oras ang kanilang mga anak, ang kanilang pamilya.

Maraming diskarte naman kayong magagawa diyan sa NAIA T3 nang ‘di mangaagaw ng pera na pambili na lamang ng pagkain ng taga-transport ay aagawin niyo pa.

In case ‘di mo pakinggan ang pakiusap ko, sa susunod ay ilalantad ko na ang tunay na pagkatao mo. Sayang ang mahabang service records mo kung mababahiran ng mantsa na lubhang hahatak sa ‘yo sa putikan ng kahihiyan.

Huwag na huwag kang gagaya kay APD Corp. Angelito Ramos na kayang agrabiyaduhin ang kapwa maipilit lamang ang kaniyang pinagkakakitaan.

Pakiusap lang ‘yan pre!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *