Saturday , December 28 2024

Mainit na lunes para sa Dep’t of Justice (DOJ)

112514 banned journalists8KUMUKULO raw kahapon ng umaga ang bumbunan ni Madam Justice Secretary Leila De Lima dahil mukhang nasabon siya ng Malakanyang?

Ito ay may kaugnayan sa lumabas sa mga pahayagan (pati sa International community) na blacklisted na siyam (9) Hong Kong journalists.

‘Yung siyam na Hong Kong journalists umano ay ‘yung sinabing nambastos kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC Summit sa Bali, Indonesia noong nakaraang taon.

Ito ‘yung insidente na sinigawan si PNoy ng ilang mamamahayag mula Hong Kong at inulan ng tanong ukol sa Manila hostage crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals noong 2010.

Ikinadesmaya raw ng Malacañang ang nasabing insidente.

Kinompirma ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson, Atty. Elaine Tan ang pag-blacklist sa anim na Hong Kong journalists batay umano sa rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Mukhang nalimutan ng Bureau of Immigration (BI) na mga mamamahayag ‘yung inilagay nila sa Blacklist …

At mukhang hindi nakabuti kay Immigration Commissioner Siegfred Mison na bigla niyang ikinonsidera ang rekomendasyon ng NICA nang hindi ‘ata sumasangguni kay Madam Leila at sa Palasyo.

Ang pagtatanong ng Hong Kong journalists ay hindi pambabastos sa Pangulo kundi ginagampanan lang nila ang kanilang trabaho nang araw na iyon.

Hindi banta sa pambansang seguridad ang nasabing mga mamamahayag at lalong hindi sila kriminal, kaya maraming nagtataka kung bakit nagkaroon ng desisyon ang BI na i-blacklist nila ang Hong Kong journalists.

Kaya naman grabe ang reaction at pagkondena ng local at international media sa isyung ito.

Maraming nagsasabi, “bumalik na ba tayo sa martial law?”

Kahapon din, nakaabot sa atin ang bulong na ‘umusok’ din daw ang bumbunan ni PNoy kaya agad kinausap si SoJ De Lima.

Pinanindigan umano ni PNoy na wala siyang utos na i-blacklist ang Hong Kong journalists.

Hindi kaya biglang ipa-relieve si Commissioner Mison ni Pnoy?

Mukhang inaalat ‘ata si Commissioner Mison?

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *