Thursday , December 26 2024

IO Aldwin Pascua, ano ang authority mo na ‘mamitas’ ng id ng NCLSSA personnel at AVSEC guard!? (Attn: BI Comm. Fred Mison)

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG may ‘kalalagyan’ talaga ang pamumuro ang bagitong Immigration Officer na ang lakas mag-power trip.

Nakarating na kay Bureau of Immigration – Airport Operation Division (BI-AOD) acting chief, Julius Cortes ang reklamo ni MIAA AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr., laban sa isang Immigration Officer na walang iba kundi si IO Aldwin Pascua.

Sonabagan!!!

Ikaw na naman!?

Ang reklamo ni AGM Guerzon ay kaugnay ng ilegal na ‘pamimitas’ sa identification card nina NCLSSA personnel Ryan Abdurahman at AVSEC Guard Elmer Sumalangit ni IO Pascua.

Ang insidente ay naganap umano nitong Oktubre 28, 2014 dakong 7:20 ng umaga sa Arrival Immigration Side Alley sa NAIA terminal 1.

Sa kanyang liham, nais ipaalala ni AGM Guerzon na tanging MIAA designated security personnel lamang ang awtorisadong magkompiska ng access ID/pass sa sino mang pass holder na nasa NAIA Complex kabilang na umano ang personnel ng BI.

Kung mayroon umanong paglabag sa MIAA rules and regulations ay maaari itong iulat sa security personnel para sa agarang aksyon.

Tsk tsk tsk …

BI Comm. Fred Mison, mukhang ipapahamak ka nitong si IO Aldwin Pascua.

Pinakikialaman pati ‘yung hindi n’ya teritoryo at trabaho!

Maraming nang bulilyaso si IO Pascua sa BI-NAIA. And I think, he should not be assigned at any airport terminal… mas mabuti siguro sa cross border sa Tawi-tawi i-assign ang isang ‘yan.

Mas nababagay siguro siya do’n, Sir!?

Bago pa muling ‘magkalat’ sa airport!

May red tape ba Sa Parañaque City Bureau of Permit and Licensing Office?

IPINATATANONG po ito ng maliliit na negosyante d’yan sa Parañaque City.

Nagtataka raw kasi sila kung bakit bumagal ang proseso ng mga transaksiyones at tila bumalik ang red tape d’yan sa Parañaque Bureau of Permit and Licensing Office (BPLO).

Noong panahon daw kasi ni Mayor Florencio “Jun” Bernabe, walang kahirap-hirap sa paglalakad ng kanilang papeles ang mga negosyante d’yan lalo na ‘yung malilit lang naman ang negosyo.

Sabi nga nila, parang ‘nagbalik’ na naman daw ang red tape sa BPLO.

Paging Parañaque BPLO Head Atty. Melanie Malaya, Madam! Tinatawag po ng mga taga-Parañaque ang atensiyon ninyo, dahil baka hindi ninyo nalalaman ang ganitong problema sa inyong tanggapan.

Aba ‘e kailangan ninyong busisiin ‘yan kung nalulusutan man kayo.

Nagre-reflect kasi ‘yan sa performance ng ‘bossing’ ninyo na si Mayor Edwin ‘ako bahala’ Olivarez. Baka bigla siyang bigyan ng ‘failing grade’ ng mga constituent sa 2016.

Pakibusisi na nga po Atty. Malaya!

Lovers in the palace

DINAIG pa raw ang KATH-NIEL at JA-DINE love team ng pinag-uusapang mainit pa sa bagong-hangong siopao na ‘lovers in the palace’ d’yan sa Ilog Pasig, San Miguel, Maynila.

Kung kalanggam-langgam umano ang KATH-NIEL at JA-DINE love team, ang lovers in the palace ay tila caramel na kahantik-hantik naman dahil sa sobrang tamis (so sweet) ng kanilang pagsasama na tila na-develop na raw ang pagtitinginan sa isa’t isa.

Ayon sa ating unimpeachable source, madalas daw sumimpleng mag-lunch out ang dalawa sa Casa Roces restaurant.

At habang tumatawid mula sa Palasyo ‘e tila laging nagkakapaan ang kanilang magkadaupang na mga palad — tipong sweet na sweet na holding hands.

‘Yung extra sweet talaga (inggit much hehehe) …

‘Yun lang, paglingon nila sa likod …napansin nilang may katoto tayo na ‘nakakita’ sa kanila.

Sabay kalas agad ng kapwa nangangapang mga palad.

Ang sabi ng source natin, sa ilang taon nilang pagsasasama sa trabaho ‘e mukhang nagka-develop-an raw ang dalawa. Mahahalata mo na nga raw sa kanilang mga kilos at tinginan sa isa’t isa.

Ewan ko lang kung napapansin ni NPC prexy Joel Egco at Usec. Rey Marfil ang sweetness ng dalawang opisyal ng palasyo!?

Ganyan daw talaga sa isang ‘work place’ lalo na’t ‘stressful’ at nasa iisang departamento ang kanilang mga trabaho.

Hindi raw sumasagot kapag tine-text ng mga reporter at laging ‘cannot be reached’ kapag tinatawagan?

Alam kaya ni PNoy ang ‘nagaganap’ na ‘yan sa mala-telenobelang lovers in the palace?!

Baka naman ma-insecure ang Pangulo n’yan sa inyo…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *