Sunday , November 17 2024

Abo ng labi ng tao pwede nang gawing Diamonds

ni Tracy Cabrera

111714 cremate Algordanza Diamond

MARAHIL, dahil mahal ang presyo nito kaya minabuti ng kompanyang Swiss na Algordanza na magsagawa ng kakaibang approach para alalahanin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na—iko-compress at lulutuin sa napakatinding init ang abong labi ng yumao para maging man-made Diamond na maaaring isuot at pangalagaan.

Nagsisimula ang lahat sa isang chemical process na hinuhugot ang carbon mula sa abo ng namatay na kamaganakan o mahal sa buhay. Kasunod nito’y paiinitan o lulutuin ang carbon na nakuha para mai-convert sa graphite. Pagkatapos ang graphite naman ang paiinitan nang aabot sa 2,700 degrees Fahrenheit at isasailalim sa pwersang kasing taas ng 870,000 libra kada square inch.

Dedepende ang kulay ng finished Diamond, mula sa puti hanggang dark blue, sa nilalamang boron sa abo ng yumao. Nagmumula presyo nito sa 4,259 Swiss Francs (o US$4,474) para sa malinggit na Diamond na walang karagdagan serbisyo o kabayaran.

Kung may kahilingan, magagawa ng Algordanza ng hanggang apat na maliiit na mga family Diamond mula sa cremation ashes sa lumalagong proseso.

Sa kabila nito, maaari rin gumawa ang Algordanza ng mas malalaking brilyante para matugunan ang mga indibiduwal at espesyal na request tulad ng mas mabigat na timbang na carat o dili kaya ay mga exotic cut sa ninanais na Diamond.

Halimbawa, mga hiyas na ang disenyo ay hugis oval o puso.

Sa kabila na ang produksyon ng mga high-quality cultured Diamond mula sa mga industrial carbon ay naging posible simula pa noong 1960s, ang proseso ay nananatiling komplikado at mahirap.

Ang paghahanap ng mga natural na brilyante ay lubhang mas madali—at mas mura. Lahat ng brilyante ay nabubuo sa proseso ng crystal synthesis. Para makalikha ng Diamond, kakailanganin ng isang laboratoryo ang replication ng mataas na uri ng pressure at mataas ding temperature na makikita lamang sa kaloob-looban ng daigdig.

Ang ideya ng pag-filter ng carbon mula sa abo ng tao at lumikha ng brilyante ay lubhang kakaiba at napakahirap.

Ang katawan ng tao ay 18 porsyentong carbon. At ang 2 porsyento nito ay nananatili matapos ang cremation, ito rin ang carbon na ginagamit ng Algordanza para likhain ang kanilang mga Diamond.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *