TALAGANG napakagaling ng National Bureau of Investigation dahil nakahuli na naman sila ng hindi bababa sa anim na Chinese nationals sa sinalakay nilang pinaghihinalaang laboratory ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Camiling sa lalawigan ng Tarlac kasama ang pinagsanib na pwersa ng PDEA at Tarlac PNP.
Ang kanilang sinalakay na lugar sa Tarlac ay tinatawag na mega laboratory dahil wala man lang usok o amoy kompara sa talagang laboratory ng ilegal na droga na nakagagawa ng 100 kilo kada isang araw ng tinatawag na methamphetamine hydrochloride o shabu.
Mahusay ang NBI rank-and-file employees hanggang sa mga opisyales dahil na rin sa magandang pamumuno ng kanilang Director na si Atty. Virgilo Mendez.
Maaasahan sila sa lahat ng oras at ‘di sila titigil sa pagsugpo ng masasamang loob dahil ‘yan ang kanilang mandato.
Nobility, Bravery and Integrity ‘yan ang ipinaiiral ngayon sa NBI bilang serbisyo publiko na kanilang ginagawa para sa ating bansa kaya dapat nating suportahan at tulungan sila sa kanilang programa laban sa krimen.
Keep up the good work NBI!
Mabuhay kayo!
BOC-MICP Collector Emir Dela Cruz
Isa rin magaling sa serbisyo publiko ay si BOC-MICP Coll. Elmir Dela Cruz.
Noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng tree planting at food feeding sa mga bata sa kalapit na mga barangay sa Manila International Container Port.
Napakaraming humahanga sa kanila dahil ipinapakita nila ang pagmamahal sa bansa ‘di lang sa mga bata kundi na rin sa ating environment.
Nagkaisa ang mga taga-Manila International Container Port na mag-tree planting at mamahagi ng pagkain bilang isa sa mga programa nila.
Nakasuporta ang Customs MICP Division chiefs at mga section chiefs sa programang ito at marami pa silang gagawing proyekto base na rin sa serbisyo publiko na kanilang ginagawa.
Mataas din ang kanilang revenue collection performance dahil sa mahusay na pamumuno ni Collector Dela Cruz.
Keep it up BOC-MICP!
Thank You,Thank You
Nagpapasalamat ako sa lahat ng pumunta sa aking simpleng handaan ng aking kaarawan nakaraang Sabado lalo na sa mga kaibigan, kamag-anak at sa aking pamilya.
Maraming salamat po sa inyong presensiya!
Customs NAIA strikes again
Ang NAIA customs ay nakahuli ng isang parsela sa Fedex mula sa Africa na nakadeklarang mga sulat at cards ngunit sa kanilang pag-examine nadeskubre na ito ay naglalaman ng postal money order voucher na may halagang P28 milyon.
Talagang alerto ang mga tauhan ng NAIA customs at magaling ang intelligence network nila.
Kaya lalo pang pinaiigting ni BOC-NAIA district collector Ed Macabeo ang anti-smuggling campaign at collection sa kanyang puerto.
Laging alerto rin ang mga tauhan ni BOC-CIIS Chief Joel Pinawin at BOC-ESS sa pamumuno ni Capt. Reggie Tuason, at Lt. Sherwin Andrada kasama na rin ang Deputy Collectors ng BOC-NAIA.
Kudos sa inyong lahat!
Sa pagkakahuli ng shabu laboratory ay lalo pang napatunayan na ang National Bureau of Investigation ay hindi tumitigil sa kanilang trabaho.
Jimmy Salgado