Wednesday , December 25 2024

2nd day ng survey: Duterte at Marcos parin!

00 pulis joeySA ikalawang araw ng survey ko sa aking Facebook (FB) account at sa kolum na ito via text, sa katanungang: “Sino kaya ang magandang ipalit kay PNoy sa 2016? Dapat walang bahid ng korapsyon at action man!”

Sa FB, as of 12:00 noon kahapon, umalagwa ng husto sina Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na ginusto ng siyam katao, sumunod si Senador Bongbong Marcos (5), Sen. Grace Poe (4), ex-Sen. Ping Lacson (4), Sen. Miriam Defensor-Santiago (3), Vice President Jojo Binay (2), ex-Sen. Manny Villar (2), Batangas Governor Vilma Santos (1), Ramon Tulfo (1), Congw. Leny Robredo (1), Cong. Neri Colmenares (1).

Ang iba ay nag-Likes na lang at ang ibang Comments ay wala paraw silang napipili.

Sa text sa aking kolum sa pahayagang ito ng Police Files TONITE at X-Files, napakalaki ng naging bentahe ni Duterte, ginusto ito ng 28 katao, sumunod sina Marcos (12), ex-Mayor Fred Lim (10), Miriam (3), Lacson (3) Poe (2), ex-presidentiable Gibo Teodoro (2), Binay (1), Villar (1), Erap (1) DILG Sec. Mar Roxas (1).

Note: Sa mga personalidad na nabanggit, si VP Binay pa lamang ang nagdeklarang tatakbong presidente sa 2010.

Ang umano’y pambato ng Liberal Party na kapartido ni PNoy na si DILG Sec. Mar Roxas ay hindi pa nagdeklarang tatakbo. At wala rin sa FB friends natin ang nagkagusto sa kanya maging sa TEXT sa kolum na ito ay isa lang ang boto sa kanya.

Kung pagbabasehan ko ang feedbacks na ito ng aking FB friends at mga suki sa kolum na ito, sina Duterte, Marcos at Poe ang maaring magkabalitaktakan sa 2016. Pero sa kanilang tatlong, si Marcos palang ang nagparamdam ng intensyong tumakbo.

Si Duterte naman na isinusulong ng halos buong Mindanao ay ayaw. Pinagalitan pa yata ang mga taong nagsusulong sa kanyang kandidatura. Sa halip ay ipinahayag pa niyang magretiro nalang siya dahil matanda na siya at may sakit pa.

Pero may pakiramdam ako na baka mag-ala Noynoy itong si Digong. Baka sa last minute ay magdeklara itong tatakbong presidente at ang ka-tandem ay si Marcos o si Poe? Yari si, Binay! Hahaha…

Estilo ng panghuhuli sa droga ng mga Dasma Pulis (Cavite)

– Sir Joey, gusto ko po malaman kung tama po ang ginawa ng Police Dasmarinas City, Cavite, na nanghuli ng drug users na walang order to operate galing sa hepe at pag-raid sa isang bahay nang walang search warrant galing sa korte? Dalawang pulis nang-raid or nanghuli na hindi naka-uniform. Ang dalawang police ay assigned in Police Dasmarinas City. Nasa intelligence po sila, pero ang ginagawa nila pag sa drug pushers naglagay sa kanila. Ang ordinary tao na user pag hindi nakabigay sa kanila, huli. Tama po ba ang ginagawa nila? Pag nakahuli po sila, ang ginagawa nila binabangketa. Palibhasa po for sale ang negotiation. Unang singil P200K until magbaba ang negotiation amount na hiling nila. Yan po ang anctivities nila.- 0909367…

Sa tingin ko ay “bangketang operation” lang yang ginagawa ng dalawang pulis kaya wala silang search o arrest warrant. Mostly ay hulidap ang ganyan. At kaya naman hindi sila naka-uniform ay dahil sa intel sila. Ang dapat hinuhuli ng mga pulis ay ang mga tulak at ang adik ay nire-rehab. Ang ligal na pangre-raid ay may court order, may kasamang barangay officials at media.

Brgy. Tanod na tulak sa Tipas, Taguig City

– Sir Joey, ako nga pala si C.A.D. na taga-Barangay Palingon, Tipas, Taguig City.Wag nyo nalang po ilabas ang buong cp number ko. Naaawa lang po kasi ako sa Punong Barangay namin sa mga katarantaduhan ng staff niya at tanod. Ka-apilyedo mismo ni Kapitan yun tanod na tulak dito sa amin. Sana matulungan nyo kami malinis ang droga rito. Perwisyo po talaga ang droga, tanod at staff ni Kapitan. Maraming salamat po. Nawa’y lagi kayong gabayan ng Panginoon. – Concerned citizen

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *