HINDI natin maintindihan kung bakit matapos salakayin at ipasara ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Top Emperor International KTV Bar d’yan sa Remedios Circle, Malate, Maynila ay muli na naman itong namamayagpag ngayon.
And take note … mas pinahigpit na ang ‘seguridad’ laban sa mga ‘mananalakay.’
Kung inyo pang natatandaan, mga suki, ilang linggo lamang ang nakarararaan, naging malaking balita ang isinagawang raid ng NBI sa VIP gentlemen’s club ng Top Emperor International KTV Club d’yan nga sa Remedios Circle na nasa area of responsibility ng Manila Police District (MPD) Ps 9.
‘Yang Emperor International Club umano ay matunog na matunog na paboritong puntahan ng mga Korean at Chinese nationals na mayroong mga baluktot o ilegal na transaksiyon sa bansa.
Bukod umano sa mga batang-batang bebot na mayroong mga Pinay at mayroon din Chinese nationals ‘e malaya rin nilang nagagawa ang kanilang mga transaksiyon sa nasabing KTV Club.
Nang salakayin nga ng NBI ‘yan, inakala nating ‘sarado’ na rin. Pero maling-mali pala ang ating akala … bukas na bukas na naman ang Emperor International KTV Club at tuloy na tuloy ang iba’t ibang klase ng ilegal na transaksiyon …
Sabi ng ilang impormante, matindi umano ang sex and drug trade na nagaganap sa loob mismo ng club?!
Sonabagan!!!
Paano nangyayari ‘yan?!
Ang mga pumapasok umano na Korean and Chinese nationals sa nasabing Club ay fully escorted at very close ang pagbabantay.
Iba na ang kanilang dinaraanan papasok sa nasabing Club. Exclusively, doon sila pinapapasok sa kaliwang kwarto sa second floor ng nasabing club.
Sa daanang ‘yan ay mahigpit din ipinagbabawal ang pagpasok ng mga Pinoy na parokyano.
Bukod sa mahigpit na seguridad at hiwalay na daanan sandamakmak na rin ang mga CCTV camera sa perimeter ng nasabing KTV club.
Full force na rin umano ang mga jaguar sa front entrance at ang malalaking armed bouncer ay tila composite team pagpasok sa “security-locked” na pinto.
Kapag sinuwerteng makapasok sa front entrance, tuloy ang pag-i-escort ng mga bouncer hanggang second floor na kinaroroonan ng reception desk.
Dalawang floor manager umano ang makikita sa second floor, isang babae para sa mga Pinoy at isang lalaki na kilala sa alyas na Bhim para umano sa mga parokyanong VIP na Chinese and Koreans.
Ganyan umano ka-organisado ang operation ngayon ng Emperor International KTV Club.
Ang tanong natin, bakit?!
Bakit ganyan kalakas ang loob ng management ng Emperor International KTV Club para maglagay ng ganyan karaming security force?!
Tsk tsk tsk …
Mukhang kayang-kayang palusutan ng Emperor International KTV Club ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at ang Criminal Investigation and Detection Group-Women And Children’s Complaint Unit (CIDG-WACCU)?!
Ano ba talaga ang mabigat sa Emperor?!
Ang PROTEKTOR o ang HATAG?!
Pakisagot na nga po!